Kinaumagahan nakita ko si Claude na tulog pa rin at yakap-yakap ako. “Nasasanay kang pangit ka, ha!” bulong ko sabay halik sa pisngi nito. Siniksik ko siya at niyakap din. Nakatulog ako uli at nang magising ay wala na si Claude. Tatlong oras na rin ang lumipas. May message ito sa cellphone nito gamit ang number ko. Snowy, ‘wag ka nang mag-abala sa lunch, magdadala na rin si Ruki ng dinner later. Gagabihin na kami kaya isara mong maigi ang gate at mga pinto. “So, walang utos at puro pahinga pala ako ngayon? Puwede pala akong mag photoshoot mag-isa ngayon!” natutuwa akong napabangon. Tiningnan ko ang cellphone ni Jammie sa cabinet ko na de-susi at may ilang missed call na si mama kaya sinagot ko ‘yon at lumabas ng kuwarto para mag-agahan. “Oh, mother, why?” “Oy, Yuki!” “Agang s