Minsan naman masipag ang GZ katulad nitong sumunod na araw—maaga silang umalis at hindi ko man lang naramdaman na nawala na sila, kompara noong mga naunang araw na kapag may pupuntahan sila ay daig pang hinahalughog nang demonyo ang bahay! Kasama rin ni Takumi si Tiffy, anak niya ‘yon, eh. “Wow, naman…” hindi ko napigil ang ngiti dahil nakahanda na ang breakfast ko. Hindi ko alam sino ang nagluto sa kanila, wala na ring hugasan kaya naman masipag na sila para sa ‘kin ngayong araw, hindi na tamad ang GZ! Chineck ko ang cellphone ni Claude na ipinagpalit niya sa ‘kin, halos umikot ang mata ko nang makita kong maraming missed call si Suzy. Hindi ko nga sinasabi kay Claude, hindi naman siya nagtatanong! Nag vibrate naman ang cellphone ni Jammie sa bulsa ng short ko. Nangiti ako dahil in