CHAPTER 11

2115 Words
"Mom, sige na. wala namang masamang mangyayari sa amin doon. Titira lang kami sa dorm. Iyon lang" I said. "Hangga't hindi ninyo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ninyo gustong mag dorm ay hindi ako papayag" Matigas na sabi ni Mama "Mom, gusto nga lang kasi namin. 'yong mga friends namin tsaka classmates ay sa dorm nakatira lahat. Kami lang ata ang umuuwi ng bahay eh. Nakakahiya kaya sa tuwing tinutukso at pinaparinggan ako ng mga kaklase ko! Hindi naman na kasi kami Junior High para umuwi pa ng bahay. " Reklamo ko. "Kung makikipagsabayan lang din pala kayo ay huwag na. Ke lapit lapit ng bahay natin tapos gusto ninyo pa mag dorm." Masungit talagang sabi ng Mommy ko. "Dad? Kuya? Please? Help me?" Sumbong ko sa kanila. Kanina ko pa kinukumbinsi ang parents at mga kuya ko pero ayaw pa rin nila. Na eestress na ako ah? Si Jin naman ay tahimik lang na naka upo sa tabi ko. Hindi man lang ako tinulungan. Sarap bigwasan eh! Hmp! Naisip ko kasi ang sinabi ni Xian sa akin. Paano ako makakakalap ng impormasyon tungkol sa aming paaralan kung ka unting oras lang ang nabibigay ko para makapaglibot doon. Kaya gusto ko na talagang doon na tumira. Advantage para sa amin iyon. Ayokong iasa sa apat kong kaibigan ang bagay na ito. Naturingan pa naman akong presidente ng aming club tapos iaasa ko lang pala ang mga importanteng gawain katulad nito. Mali iyon friend. "Give us one valid reason kung bakit gusto ninyong lumipat bigla. Iyong ka tanggap tanggap" Napa isip naman ako sa sinabi ni dad. One valid reason? Ano kaya ang magandang edahilan? Hindi na benta 'yong makikisabay sa uso. Para hindi na kami uuwi? Kaso ang lapit lang ng bahay namin. Hmmm para makapag focus sa studies? E mas tahimik dito sa bahay kaysa sa school! Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa kasong hawak namin ngayon. Kahit cool ang parents ko tungkol doon ay ayoko silang mag alala at saka baka hindi kami payagan. Habang nag iisip pa ako ay bigla namang nagsalita si Jin. "We want to investigate what's happening in our school. May namatay na namang teacher kanina at sa tingin namin konektado ito sa pagkamatay ni Mr. Caballes at saka mayroon na ring namamatay na studyante sa aming paaralan. Hindi kami makakapag imbistiga ng maayos kapag umaga dahil may pasok kami. At hindi rin basta basta makakapag gala sa buong school dahil masyadong maraming tao tuwing may araw. Ang sabi din nila ay sa gabi gumagala ang mga gang sa school. Aalamin namin kung ano nga ba ang ginagawa nila, bakit may kailangang mamatay? At bakit kailangang patayin? Ano ang tinatago nila?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jin. Nahihibang na ba sya? Mas lalong hindi kami papayagan nina mommy nyan eh! Sobrang sama na ng tingin ko kay Jin pero hindi man lang niya ako tinaponan ng tingin. Pag talaga kami hindi pinayagan! Mapipiktusan ko 'to. Hindi ko siya papansinin whole day! Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nag sasalita sina mommy. Napasipol naman ang mga kuya ko habang pangisi-ngisi pa. Nakakainis! Nakakainisssss! Nakita kong nag tinginan sina mom at mga kaparid ko, bumuntong hininga muna si dad bago magsalita. Sobrang seryoso ng mukha niya. Jusko naman Jin! Pinapahamak mo ang plano ko! "Huwag muna ngayon" seryosong sabi ni Daddy. Nanlumo naman ako sa narinig ko. Hindi na ba talaga kami makakapag dorm? Final na talaga? But wait, what did dad mean sa "huwag muna ngayon"? "Sa linggo na lang kayo ng gabi lumipat. Kakausapin ko muna ang principal ninyo at gusto ko mag kakasama kayong magkakaibigan sa iisang bahay. Ang alam ko ay may bahay naman sa school ninyo. Total anim lang kayo. Kasya na siguro kayo doon." Paliwanag ni daddy. Para namang nagdiwang ang aking tenga sa narinig. Totoo ba? At hindi lang sa dorm? Sa bahay pa? Dali-dali kong niyakap sina mommy at daddy. Hinalik halikan ko pa ang mga pisngi nila dahil sa saya. Walang pagsidlan ang saya ko dahil sa pag payag nila. To live in a house inside illustrious high is like a dream come true para sa lahat ng studyante dito. Hindi basta-bastang tao ang pinapayagan na tumira doon. Ang mga bahay sa illustrious ay naka locate sa gitnang bahagi sa likod ng school buildings. Para itong mini subdivision. Pinapagitnaan ang mini subdivision ng boys at girls dorm building. So bali ang posisyon ay. Left- boys dorm building, center- mini subdivision, right- girls dorm building. Sa harap ng mga tirahan ng studyante ang isang malaking gate at pagkalabas mo dito ay viola! Nasa school kana. "Thank you mommy, daddy. You really are the best!" masiglang sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanila. Tumawa naman silang dalawa sa sinabi ko. Hindi na ako magtatanong paano nila kami maititira doon, for sure kakausapin muna nila ang parents ng apat. "Wala ba kaming yakap mula sa aming prinsesa?" Tiningnan ko lang si kuya Hunter at inirapan. Kaya naka tanggap siya ng pang aasar sa iba ko pang kapatid na lalaki. Tumawa na lang ako at niyakap sila isa isa. "Basta huwag na huwag kang hihiwalay sa mga kasama mo ha? At kapag nasa bahay na kayo ay lagi mong e lock ang kwarto mo. Kahit may tiwala ako sa mga kaibigan mo eh hindi pa rin mawawala na lalaki sila't prinsesa ka" Bilin sa akin ni kuya Damon. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Safety first ika nga. Naisip ko na kaya siguro pumayag sina mom at dad dahil naiintindihan nila kami ni Jin. Noong high school student pa kasi sila ay, katulad naming mag kakapatid, mahilig rin silang mag resolba ng kaso. Doon nabuo ang loveteam nina mommy at daddy. Nakapag tataka nga na hindi sila naging pulis or detective. It runs in the blood din siguro kasi itong tatlong kuya ko ay mga secret agent sa hindi ko kilalang kompanya. Iyon lang ang sabi nila sa akin kaya minsan sa isang buwan ay madalang lang kaming magkita dahil sa mga misyon nila. Masaya kaming nagkwentohan na pamilya bago matulog. Sobrang saya ko ngayon. I guess our real adventure is about to beggin. .-..-.-..--./----../.--..-.- Nakaharap kaming anim sa harap ng isang hindi kalakihang bahay. Today is sunday. Ngayon na kami lilipat. Noong binalita ko sa mga kaibigan ko na sa wakas ay pinayagan na kami ni Mom ay sobra ang saya nila. Pero nang sinabi ko na na titira kami sa isa sa mga houses dito sa school ay doble ang gulat na naramdaman nila. Na alala ko ang ka OAhan and epic na reaksyon ni Tim at Dale nung araw na iyon. Ano pa nga bang ini-expect ko sa dalawang 'yan? pero ang pinaka OA na reaction ay ang kay XIAN! OO SA KANYA! *3 days before lipat bahay* Nasa clubroom kami ngayon, kumakain ng tanghalian. Ngayon ko balak sabihin sa kanila ang napag usapan namin kagabi. Tumikhim ako kaya napatingin silang lahat sa akin. "Hmm guys, we have a goodnews" pa unang salita ko Sumeryoso naman bigla si Xian, habang ang iba naman ay kaswal lang ang tingin sa akin. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Xian. "You're pregnant?" Seryoso talagang sabi niya Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nya. What the heck? "What the f*ck?" Nagulat naman ako sa pagmumura ni Jin. Gulat siya ih? Habang ang tatlo naman ay napanganga nalang kay Xian. Ano bang pinag sasabi niya? Anong pumasok diyan sa utak nya't naisip niya ang ideyang iyan? Jusko fo! Pigilan ninyo akooo! Masasapak ko to! Paano mabubuntis ang isang VIRGIN? SIGE NGA? "What the heck Ace? Anong buntis? Saan mo napulot iyan?" Kunot na kunot ang noo ko habang tinititigan siya. Wala nga akong boypren tapos buntis? Na engkanto lang te? "Ay hindi ba? Sige, continue" Bored na sabi niya. Napapikit nalang ako sa inis! Sarap din bigwasan ng lalaking to eh. Humugot muna ako ng malalim na hininga, relax Jel, demonyo 'yan---angel ka. Sinamaan ko muna ng tingin si Xian bago magsalita. Pag ito sumabat na naman! Mabibigwasan ko talaga to! "Mom and dad already approved me and Jin to live with the same house----" "What the heck?" Naputol ang sasabihin ko dapat nang sumingit na naman si Xian. Seriously ano bang problema nya? Gigil na gigil akong tumingin sa kanya. "Pwede ba? Patapusin mo na muna ako? Naiinis na ako ah? kaunti nalang masasapak na kita!" Malakas na sigaw ko sa mukha niya. OO MUKHA TALAGA! gigil niya si ako eh! Tinaas niya ang dalawang kamay bilang sinyales ng pagsuko. Sobrang sama na ng mukha ko habang siya ay nakakunot pa rin ang nuo na nakatingin sa akin. Humarang sa harapan ko si Tim habang ngumunguya pa ng pizza. "Chill Jel, ituloy mo na ang sinasabi mo. Curious si me. Go na ghurl. And Xian shut up na muna okay? Wag pa bida hindi mo pa time" Sabi ni Tim habang ngumunguya. "Tsk. I just want to inform you all that the six of us are going to live with each other starting next week. " Nanlaki ang mata ni Tim sa narinig, nabilaukan pa siya. Yan kasi kain ng kain akala mo naman mauubusan. Si Dale naman ay nabilaukan rin sa iniinom niya. Seriously? Ganun ba nakakagulat ang sinabi ko? OA nila ah? "Wait, tama naman ang rinig ko diba? Magdodorm na talaga kayong dalawa? As in for real?" Masaya naman akong tumango sa kanya. "KYAAAAAHHHHHHHHHHH!!! matutupad na ang dream ko. My gosh, my gosh, my goshhhhhhh" Napatakip agad ako sa tenga dahil sa tili ni Tim. Hindi ako nag iisa dahil pati ang mga lalaki ay napatakip din. Oa talaga! Naninira pa ng eardrums ng iba. "Ano ba Tim! Tumahimik ka nga! Tigil tigilan mo ako sa ka OAhan mo ah? Mapipiktusan kita!" "Ito naman ang harsh agad. Happy lang eh. Pero totong too talaga? Magdodorm na kayo?" Pangungulit nya pa. Nginitian ko siya ng bongga at tumango Titili na sana ulit sya nang takpan ni Ron ang bibig nya kaya natawa kami. "Tahimik na kase Tim. Ang ingay mo!" Nakakatuwa talaga sila, sa sobrang nakakatuwa sarap nang tirisin isa isa. "But wait, you said we're living together, what do you main by that?" Inirapan ko si Xian. Napansin niya pa yun? Surprise dapat to eh. "Oo nga Jel? Bakit at paano?" Nginitian ko silang lahat at nag pasabog na naman ng confiete! "Mom and dad wants us to live in one of the houses in this school. Everything is settled, lipat na lang ang kulang." "WHAAAAT?" Sigaw nilang lahat and I just smiled at them sweetly. *Present* Nang mahimasmasan sila sa gulat ay agad din naman naming plinano kung kailan kami lilipat. Sobrang excited nila, lalo na si Dale at Tim na gusto pa talagang mag pa welcoming party. Partner talaga sa ka OAhan ang dalawang iyan. "Let's go" My twin said. Sumunod naman kaming lahat kay Jin at pumasok na sa magiging bahay namin. Simple lang ang bahay na ito. White ang kulay na may halong metalic silver. Bagay ang kulay sa club name namin. Infairness. Sa first floor ay syempre merong sala, mayroon na itong dalawang single sofa at isang malaki at mahabang sofa. Sakto ata kaming anim dito eh, may mini table ito sa gitna at mayroong TV sa harap. Sa left side nandoon ang kitchen, nilagyan na namin ito ng mga necessary things to be used kahapon. Sa right side naman ang isang kwarto, wala pa itong laman actually. Sa ilalim ng hagdan nandoon ang aming cr. Hindi ito pwedeng ligoan. Pangpalabas lang talaga ng sama ng loob. Sa second floor naman ay nandoon ang mga kwarto naming anim. Tatlo ito kaya tig dadalawa kami. Bawat kwarto ay may dalawang Single bed. Hindi nalang doubledeck ang nilagay. Pa sosyal lang te? But anyway nabisita na namin ang bahay kahapon para ilagay ang ilang mga gamit namin. Ngayon eh kaunti nalang ang aming mga dala. Ang nag iisang kwarto sa first floor ang mag sisilbing investigation room namin. Sosyal ano? may pa investigation room pa ang lola ninyo! Hahaha Aakyat na dapat kami ng biglang tumunog ang tiyan ni Ron. Napalingon kaming lahat sa kanya habang sya ay nag iwas lang ng tingin. Namumula narin ang kanyang tenga, indekasyon na nahihiya sya. Hiya pa sya ih. Napatawa naman kaming lahat dahil sa kanyang ka kyutan. Ancharap kurutin ng apat na mata nato. "Kain muna tayo dahil nag wawala na ang halimaw sa tiyan ng apat na mata" Pang-aasar pa ni Dale. "Sige, Sino sa inyo ang marunong magluto?" Ngiting tanong ko. Nag iwas naman silang lahat ng tingin sa akin. Wag mong sabihin hindi sila marunong magluto lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD