CHAPTER 12

2122 Words
Time check: 8:03pm Nandito kaming anim sa cafeteria, kumakain ng haponan obviously. Napag alaman ko sa gabing ito na ako lang pala ang nag-iisang may alam sa pagluluto sa aming anim. Galing ano? Sarap manapak ng langgam ngayon te!  Iisipin ko pa lang na ako ang mag sisilbing taga luto sa bahay namin ay na eestress na ako. This is not what I've expected na mangyayari sa pananatili namin sa iisang bahay! Pero teka nga! Bakit ko ba eneestress ang sarili ko? I shouldn't stress my self out about this matter. Ano lang silbi ng taga deliver ng food? At saka may cafeteria naman ih. Para masulit naman namin ang pera na ibininayad namin sa school--Ay nang parents pala namin. Hihihi. Nakoooo Jel! Ene estress mo ang sarili mo sa wala. While eating, we're silently talking about our plan on when and where to start investigating. Hindi kami pupwedeng mag pa pitiks lang, hanggat may oras ay kailangan namin bilisan dahil hindi namin alam kung sino ulit ang mamamatay sa mga teachers at schoolmates namin or baka naman mas dumami pa ang involve sa kasong ito. I just hope na wala nang susunod. I don't like our school to be tinted with this kind of issue, sobrang nirerespeto ang aming paaralan hindi lang sa ganda at laki nito kung hindi pati na rin sa taglay na talino ng mga estudyante at galing na dumisiplina ng mga guro. Kay nakakasira ng reputasyon kung malalaman ng publiko ang nangyayari sa loob ng paralang ito. Nag uusap kaming magkakaibigan sa mababang boses ng may biglang kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakita ang isang babae. Matangkad, morena, medyo singkit ang mata at nerd? Sobrang laki kasi ng salamin niya, tinalo pa ang eyeglass ni Ron. Tinaasan ko sya ng kilay.  "Yes?” I asked dahil mukhang wala syang balak mag salita. Kanina pa siya naka totig sa akin. Nanginginig na hinila niya ang bakanting upuan sa tabi ko at umupo doon. Nakatitig na rin sa kanya ang mga kasamahan ko at ramdam kong kagaya ko ay hinihintay rin nila na magsalita ang babaeng kaharap ko ngayon. "Uhm, first time ko kasi kayong makitang anim dito. Uhmmm kayo ang unknown club hindi ba?" Bakas sa mukha nya ang pag alinlangan at mukhang takot na tumitingin sa paligid. Pinunasan ko ang aking labi at tumikhim kaya nakuha kong muli ang kanyang atensyon. "Yes, kami nga. Anong maitutulong namin sayo?" Bumuntong hininga muna siya bago ibigay sa akin ang isang malaking sobre. Tiningnan ko sya ng may pagtatanong sa aking mata. Anong gagawin ko dito? Elalagay sa mail box? Ano ako? Mail girl? Kaloka! "Uhm, I would like to ask for help regarding this matter. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Mahigit isang linggo na akong pinapadalhan ng mga litrato ng hindi ko kilalang tao. Natatakot na ako dahil pati sa loob ng kwarto ko ay nakukunan niya ako ng litrato." Sa sinabing iyon ng babae ay mukhang nakuha nito ang interes ng aking mga kaibigan dahil mas inilapit nila ang kanilang upuan sa akin. Binuksan ko ang envelope at nakita ang mga litrato ng babaeng nasa aking tabi. May mga litrato siya habang kumakain, nasa classroom, nakikipag usap, at ang mas nakakagimbal ay pati ang mga ginagawa niya sa loob ng kanyang dorm ay nakukunan siya, sa kam, banyo at maging sa kusina mabuti na lamang kapag nasa banyo siyaay hanggang likod lamang niya ang nakikita sa larawan! Invasion of privacy ito mga te! Pero ang nakakuha talaga ng aking interes ay ang kanyang litrato na nasa loob ng kanilang clubroom. A VO member huh? VO o Volunteer Organization. from the name of the Org. itself ay halata na kung anong klaseng organisasyon sila. Sila ang tumutulong sa lahat ng estudyante at guro dito sa Illustrious High. mapa paper works, assignment o projects, pag may events sa school ay sila ang tinatakbohan ng SSC. In short, sila ang alila ng school. Hindi naman sa minamaliit ko ang Org. nila pero para sa akin kasi, sobrang pag papakabayani na nang ginagawa nila. Nakapagtataka nga't ang Org. nila ang isa sa may pinaka maraming myembro, sa sobrang arte ng mga studyante dito, may nagpapa register talaga sa VO? kaka iingit naman! Pero pakiramdam ko sumasali lang ang mga yan para magpabibo. Sinong kolokoy ang maniniwalang purong pagtulong lang ang gusto nila kaya sumali sa Org? Tsah! Huwag ako sixzt. "Baka stalker mo to?" Tanong sa kanya ni Ron. Oo nga naman. Ngunit umiling siya sa amin at ipinakita ang mga text messages sa kanyang telepono. Napakunot lalo ang aking noo sa nabasa. What is this shyt? Naka saad sa mga natatanggap n'yang mensahe na ikakalat daw lahat ng litrato niya pati ang mga masisilang video na kinunan pa sa cr kung hindi daw aalis ang babae sa VO. "Teka--TEKA muna, para mas maintindihan namin ng mabuti pwede ba na mag pakilala ka muna sa amin? Hindi pwedeng hindi namin kilala ang aming magiging kliyente at e explain mo na rin kung paano at bakit may nag papadala sayo?" Saad ni Dale. Tinangoan naman ng babae ang aking kaibigan bilang pag sang ayon. Tumingin na naman siya sa paligid bago magsalita. Na papraning na! "I'm Hazel Grace Anderson. Grade 12 STEM. Hindi ko alam kong paano nangyari ang bagay na ito, nagising na lang ako isang araw na may envelope na na nakapatong sa study table ko. Walang ibang tao na pumapasok sa kwarto ko maliban sa akin at sa mga kaibigan ko. Alam ninyo naman na limited lang ang tao na nakakapasok sa ating mga kwarto dito sa dorm, at may visiting hours pa. imposible na mga kaibigan ko ang gumagawa nito, masyadong malaki ang tiwala ko sa kanila para isipin ko na may kinalaman sila sa mga nangyayari. Please help me find the person behind this. I'm begging you. Natatakot na ako sa mga posibling mangyari. ayokong masira ang pangalan ko dahil lang dito." Nagsimula ng umiyak ang babae kaya natataranta kong hinagod ang likoran niya. Baka akalain pa ng iba inaway ko to. Tumingin ako sa kasamahan ko na ngayon ay seryoso na ang mga mukha. Napabuntong hininga si Xian at Jin. Sabay pa talaga ah? Tumayo si Xian at tumingin ito sa akin. "Let's talk in different place, not here"  I nooded and guided the girl to our clubroom. Mas makakampanti kaming pag-usapan ang bagay na ito sa pribadong lugar, hindi natin alam baka nag mamasid lang ang salarin sa lahat ng galaw ng babae. Tumayo na din ang iba kaya inalalayan ko si Hazel na makatayo at sumunod nadin sa kanila. Sa clubroom kami dumiretso dahil mas safe sa lugar na ito lalo na't gabi na. Pagkarating namin ay kumuha agad ng tubig si Tim at ibinigay ito kay Hazel na agad namang ininom ng babae. "So Ms. Anderson may mga pinag hihinalaan kabang posibleng may pakana nito?" Jin asked. Nag isip saglit ang babae bago nagsalita. "Oo, isa sa mga ka org. ko. actually dalawa sila. Simula nung may naging issue sa pagitan naming magkakaibigan ay gusto na nila na umalis ako sa aming org. ayaw nilang nakikita ako. Halos araw-araw nila akong pinaparinggan at pinapahiya sa iba naming kasamahan" Frienship issue pala ito. Ang immature ah? Pero nakapagtataka lang kung papaano nailagay sa dorm room nya ang mga sulat na iyon. Mautak ang kung sino man ang gumagawa ng bagay na ito. ”Maaari mo bang sabihin sa amin ang kanilang mga pangalan?” Tanong ni Dale sa babae. “Beatrice Peterson at Jack Lumina” Sagot niya. Hmmmm. Away sa lalaki ba ang dahilan ng kanilang issue? Intriguing ah? "Bukod sa mga ka clubroom mo, wala ka na bang iba pang pinaghihinalaan?" Tim asked. Umiling naman ang babae sa tanong ni tim. "Wala ka bang kaaway sa room nyo o sa school natin?" Tanong ulit ni Tim sa kanya  Sunod sunod na iling ang isinagot ni hazel sa aking kaibigan. "Bukod sa iyo ay nakakapasok din sa iyong kwarto ang ilan sa mga kaibigan mo tama ba? maari mo bang sabihin sa amin kung sino-sino sila?" Xian asked. Kumunot naman ang nuo ng aming kliyente sa tanong ni Xian, parang may na isip siya na hindi maganda dahil napangiwi pa ito, ngunit tumango rin ito kinalaunan. "Sina Hannah at Verlyn, mga kaklase ko din sila kaya madalas kaming nasa kwarto ng bawat isa para gumawa ng project o assignment." Alinlangang sagot niya. Xian nodded after hearing Hazel's answer. So bali ngayon, may apat na kaming suspect. Her org. mates and friends. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at nilahad ang aking kamay sa harap ng babae. “Unknown club is officially accepting your case Ms. Anderson. I ask for your full cooperation regarding this case. We’ll do our best to help you.” Ngiting saad ko. Tumayo na din si Hazel at tinanggap ang nakalahad kong kamy. Nginitian nya ako ng isang napakaling ngiti na para bang nakikita niya ako bilang isang pag-asa sa gumuguho niyang mundo. Okay. Exaggerated masyado. “Thank you so much for lending me your help. I promise to cooperate to the best that I can” saad niya. Nginitian ko lang ang babae at kinuha na ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Nakakailang makipaghawakan ng kamay sa kapwa mo babae. It’s cringe. But anyway, I find her case interesting that’s why I accepted it. Lumapit si Ron sa amin at nilahad sa harap ng babae ang kanyang telepono. “Give me your number” Ani Ron. Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Hazel dahilan kaya medyo napatawa ako sa aking isp. Creamstick pa te! “h-ha? n-number? Bakit?” Utal utal na tanong ni Hazel sa kaharap. Napansin ko ang pag irap ni Tim sa tinuran ng aming kliyente. Irita ka ghurl? “I said give me your number. Para ma contact ka namin bukas regarding sa kaso mo. Hindi namin alam kung saan ka hahanapin” Bored na sagot ni Ron. “ah oo—OO. Sorry” Napapahiyang kinuha ng aming kliyente ang telepono ni Ron at tinayp na ang kanyang numero. Alam kong nagpipigil na si Dale ng bungisngis. Iyon pa? nakikinita ko na ang pang gigisang gagawin niya sa kaibigan mamaya. “It’s getting late. Mabuti pa ay ihatid kana namin sa dorm upang masiguro na rin ang iyong kaligtasan.” Tumango lang ang babae at nag pa ti-una nang lumabas. Nahihiya ata. Hihi Pabirong sinuntok ni dale ang braso ni Ron pagka tapos ay inakbayan nya ito at pasipolsipol na sumunod sa babae. Napa iling nalang ako sa kanila. Pagkatapos kong e lock ang aming clubroom ay sumunod na din ako sa aking mga kaibigan. Sinabayan naman akong maglakad ni Jin. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ng dorm building ng girls. “Make sure to lock your windows and door. Hanggat maaari ay huwag ka munang magpapasok ng kahit na sino sa kwarto mo.” Bilin ko sa babaeng kliyente namin. Tumango lang ito at nagpa alam na. Pagka pasok ni hlHazel ay umalis na rin kami. Tahimik lamang ako habang ang mga kasama namin ay nag kukulitan na naman. Tama nga ang aking hinuha. Inasar ng inasar ni Dale si Ron sa nangyari kanina. Sinabihan niya pa itong paraparaan at torpe. Contradicting pero tama. Hindi nawala sa pang aasar ni Dale ang naging reaksyon ni Tim kanina. Nag seselos daw ang bruha kaya maypa irap-irap pa raw itong nalalaman. Naramdaman ko ang isang kamay na pumupulot sa aking balikat kaya napatingala ako sa aking katabi. Sweet naman dis boi! hihi “Let’s hurry, It’s getting late” Na tahimik nalang ang aking mga kaibigan sa sinabi ni Jin. Power talaga itong aking twining! Saktong napasok na kami sa mini subdivision kaya medyo binilisan namin ang paglakad. Para sa kaalaman ng lahat, ang aming bahay ay naka pwesto sa pinakadulo ng lugar na ito kaya mabilis lang matukoy kung saan kami nakatira at saka bago makarating sa aming tinitirhan ay may madadaanan ka munang mini park. Sarap tambayan dito lalo na kalag gabi. May iba’t-ibang lights kasi na naka pulupot sa buong mini park. Pagkapasok namin sa gate ay agad itong ni lock ni Xian at dumeretso na sa investigation room. Pagkapasok naming lahat ay nag kanya-kanyang pwesto na kami sa buong kwarto. Wala pang ibang laman ang kwartong ito bukod sa isang whiteboard at marker. “Napansin rin ba ninyo?” Basag ni Dale sa katahimikan. Mababakasan ang pagka seryoso ng kanyang boses. Gone the playful Dale a while ago. Tumango kaming lahat bilang sagot sa kanyang tanong. Your playing games huh? Napangisi ako sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD