Kabanata 7

1512 Words
"Mr. Billy Montero, nice to meet you." Naglahad ng kamay si Mr. Espiritu sa akin at kaagad ko namang tinanggap iyon. Sumenyas ako sa mga tao ko na umalis na muna. Kaagad naman itong lumabas ng opisina ko. Tinitigan ko si Mr. Espiritu. "Noong isang araw lang ay pinatay ng hindi pa nakikilang salarin si Mr. Villar. Hindi na kita sa kotse niya ang briefcase na naglalaman ng malaking pera mula sa drogang pinagbentahan niya. Sigurado ako na kagagawan na naman 'yon ng Bullets." Nagtiim-bagang ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala kung sino ang mastermind ng grupong Bullets. Hindi ko malaman kung sino ang kanilang big boss. Basta ang natatandaan ko lang ay isa sa mga tauhan niya ang tinawag siyang 'Boss Z'. Siguro 'yon ang initial ng pangalan niya ngunit sino siya? Isang taon na simula ng atakihin niya ang grupo ko. Marami rin siyang napatay mula sa mga tauhan ko pati na rin sa mga kaibigan ng grupo ko. Hindi ko alam kung anong pakay niya. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko siya para patayin niya ang mga tauhan ko. Isa lang ang tumatak sa akin na pinasasabi niya sa akin ayon sa tauhan ko. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako napapatay. Naging malaking palaisipan sa akin kung sino siya. Hindi naman kasi siya nagpapakilala at kapag nahuhuli ko ang mga tauhan niya, hindi nila sinasabi ang kaniyang pangalan kahit na patayin ko pa sila. Dahil doon ay naging maingat ako sa bawat galaw ko. Hindi ko talaga malaman kung ang taong 'yon. Lahat naman ng naging kaaway ko ay napatay ko na. Ang mga mayayamang drug lords at mga kilalang mamamatay tao ay naging kakampi ko na kaya naman wala akong maisip na puwedeng gumawa nito sa akin at sa amin. "Sa tingin mo ba pera lang ang habol nila kay Mr. Villar?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko na hindi pera ang dahilan ng pagpatay niya dito. Maaaring kinuha na rin niya ang briefcase matapos niyang patayin si Mr. Villar. Iniisip ko nga kung sino ba ang puwedeng gumawa noon dahil sa pagkakaalam ko ay wala namang matinding kaaway si Mr. Villar. Maayos siya kung makipagtransaksyon sa mga taong kumukuha ng droga sa kaniya. At isa pa, noong araw na 'yon, paano nalaman ng taong 'yon kung saan galing si Mr. Villar? Ibig sabihin, sa lugar kung nasaan si Mr. Villar ay nandoon na rin siya. Inabangan niya ito hanggang sa makakuha siya ng tiyempo at mapatay ito." "Masyado rin kasing naging kampante si Mr. Villar. Akala niya porket wala siyang nagiging kaalitan ngayon ay wala ng gustong pumatay sa kaniya." Tumayo ako matapos kong sabihin 'yon. Kumuha ako ng isang bote ng alak at baso. Sinalinan ko ang baso ni Mr. Espiritu. Kinuha niya 'yon at sinimulang inumin. "Nabawasan tuloy tayo ng taong magaling magpuslit ng droga. Sa tingin mo, iisa lang ba ang taong sumasalakay sa inyo at ang pumatay kay Mr. Villar?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niyang 'yon. "Sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot diyan. Puwede siyang baka may naging kaaway si Mr. Villar mula sa mga taong pianagsu-supply-an niya ng droga na hindi natin alam. Pero kung sakali ngang iisa lang ang taong gumagawa noon, ano naman ang atraso sa kaniya ni Mr. Villar? Ano ang ginawa nito sa kaniya para patahimikin niya ito?" Tumaas ang kilay niya at muling nagsalin ng alak sa kaniyang baso. "Hindi ko rin alam ang sagot, Mr. Montero. Pero malakas ang kutob ko na iisang tao lang ang may gawa noon. Kaya naman doble rin ang pag-iingat ko kapag ako ay umaalis. Maging alerto ka rin, Mr. Montero dahil baka mamaya nandiyan lang siya sa paligid at mapatay ka na ng tuluyan." Bumuntong-hininga ako sabay lagok ng alak na nasa baso ko. Kung sakali mang ako na ang isunod niya, mahihitapan siyang mapatay ako kaagad. Marami akong tauhan na puwedeng-puwede siyang mapatay kaagad. Hindi basta lamang ang mga tauhan ko. May kaniya-kaniya silang talento at galing sa pakikipaglaban at pakikipagpatayan. Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang taong 'yon, pahihirapan ko muna siya bago ko siya patayin. Ipadadanas ko sa kaniya kung gaano ako kabagsik. ******* "Lumayo ka sa aking babae ka nanggigil ako sa iyo!" malakas na sigaw sa akin ni Mr. Pogi. Wow! Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Siya na nga itong pinahawak ko sa kipay ko, pero nagagalit pa siya sa akin. Hindi ba siya natutuwa sa matambok kong kipay? Ang tambok na nga nito eh. Minsan nga kapag naka-panty lang ako at napapatingin ako sa salamin ay natatawa ako sa itsura ng kipay ko. Dahil sa sobrang malaman nito ay para bang may betlog na ako. "Bakit ka ba nagagalit? Hindi ka ba masaya sa kipay kong matambok? Huwag ka na magalit. Siguro gusto mo pang hawakan ito 'no? Ayos na ayos lang sa akin. Hawakan mo na dali." Akma na sana akong lalapit sa kaniya nang tutukan niya ako ng baril. Napalunok ako sabay tigil sa paglalakad. Sa totoo lang, halos manginig ang buong kalamnan ko kapag tinututukan niya ako ng baril. Para kasing anytime ay puwede na niya akong patayin. Buti sana kung 'yong tit* niya ang itutok niya sa akin. Baka mangisay pa ako sa sobrang saya ko. "T*ng ina mo kang hayop ka! F*ck you ugly b*tch! Bakit mo ako hinalikan? Bakit! Kadiri kang pangit ka!" Ibinaba niya ang kaniyang baril at nagsipilyo pa siya ulit. Siguro nakatatlong beses na siya nagsipilyo. Ang arte naman ng lalaking 'to! Wagas kung makasipilyo eh sa labi ko naman siya hinalikan hindi sa ngipin. Parang baliw ang lalaking 'to. Wagas pa kung makatawag sa akin ng pangit. Mawala lang talaga 'tong tigyawat sa mukha ko, who you talaga siya sa akin. Kahit ano pang gawing pagpapapansin niya ay hindi ko talaga siya papansin. Tamad akong nahiga sa kama. Tulala akong nakatingin sa kisame. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Sa isang iglap ay nabago bigla ang buhay ko. Wala na akong trabaho ngayon dahil sa kaniya na ako magtatrabaho. Wala naman akong choice kun'di ang sundin siya dahil baka mamaya ay magalit siya at bigla na lang akong barilin sa ulo. Ayoko pa namang mamatay lalo pa't virgin pa ako. Hindi pa ako puwedeng mamatay dahil kailangan niya pa akong diligan. Kahit makadalawang beses lang siya sa akin ay puwede na akong mamatay. Napatingin ako sa kaniya habang nagsisipilyo pa rin. Hindi pa ba siya titigil? Grabe naman ang kaartehan niya sa katawan. Naiinis nga ako sa kaniya dahil ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa akin. Ano bang mayroon sa pangalan niya? Bakit ayaw niya pang sabihin? Tumingin ako sa orasan. Gabing-gabi na pala. Kaagad akong bumangon at inamoy ang sarili ko. Hindi pa pala ako naliligo. Isinuksok ko ang kamay ko sa aking kipay at inamoy ito kung mabantot na ba. "What the f*ck? Bakit mo inaamoy 'yang ano mo?" galit niyang sabi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ba? Pakialam mo ba? P*ki mo ba 'to? Bakit ikaw? Hindi mo ba inaamoy 'yang tit* mo?" "F*ck you b*tch." Tumayo na ako at saka kumuha ng damit sa aparador ko at pagkatapos ay naligo na sa banyo. Mabuti na lang hindi ganoon kalamig ang tubig. Pero sanay naman na akong maligo sa gabi dahil talagang dalawang beses ako kung maligo. Umaga at gabi. Pero kahit ganoon na ako maligo, hindi pa rin nawawala ang tigyawat sa mukha ko. Hinubad ko na ang lahat ng suot ko. Hubo't hubad na ako at nagsimula na akong magbuhos. Kumuha lang ako ng sapat na shampoo at saka inilagay ito sa aking ulo. Pagkatapos ay binanlawan ko na ang buhok ko. Kukunin ko na sana ang panghilod ko nang makita ko ang isang malaking gagamba. Napatalon talaga ako sabay atras. "Ah!" malakas na sigaw ko sabay takbo palabas ng banyo. "Hoy! Tulungan mo ako may gagamba sa C.R! Patayin mo siya!" sigaw ko nang makalabas ako ng banyo. Kaagad akong yumakap kay Mr. Pogi. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot. Sabihan na akong duwag pero takot na takot talaga ako sa gagamba. Ayoko talaga sa kanila. Mahilig ang ginawa kong pagyakap kay Mr. Pogi habang siya naman ay itinutulak ako. "What the f*ck are you doing! T*ng ina mo nalulunod ako sa dibdib mo!" Malakas niya akong itinulak kaya naman napaatras ako. Napatingin siya sa hubad kong katawan. Wala na akong pakialam kung makita niya pa ang lahat sa akin. Muli ko siyang niyakap. "Please, patayin mo na 'yong gagamba nang matapos na akong maligo." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya at idiniin ang dibdib ko sa katawan niya. "No!" sigaw niya sabay tulak pa sa akin ngunit nahawakan ko siya sa buhok. Bumagsak ako sa sahig. Napadaing ako dahil sa sakit pagkakabagsak ko sa sahig pero nanlaki ang mata ko dahil sa puwesto naming dalawa. Nakasubsob ang mukha niya sa bukana ko. Galit siyang nag-angat ng tingin sabay sakal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD