Kabanata 6

1573 Words
"Wow! Mukhang masasarap ang pagkain dito ah!" Pinalibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. "Malamang. Nasa mamahaling restaurant ka ngayon so please umayos ka. Umakto ka na parang may class na babae. Pangit ka na nga, galawang squatter ka pa." Tinikom niya ang bibig niya umayos ng upo. Inayos ko ang suot kong sumbrero at saka tumingin sa lalaking nasa likuran niya. Hindi naman ito ganoon kalayo mula sa puwesto namin. "Ronald Villar..." bulong ko sabay tangis ng aking ngipin. In this country, he is a multimillionaire. We get along well at first. He always gave me free drugs as a thank you. I always assist him in the safe distribution of drugs. I was always ordering a lot of drugs for him. Hindi naman ako madalas gumagamit ng droga. Minsan lang kapag hinahanap ng katawan ko. I never use drugs excessively. I am aware of my limitations. It's just my way of calming myself for a while. Nagbago ang lahat nang kumampi siya sa Black Dragons. Nabilog nila ang ulo niya. They claimed that I am weak and incapable of fighting back. But they're all wrong. I'm not like I was before. Siguro naisip ni Ronald na mas mapoproteksyonan siya kapag sumama siya sa Black Dragons pero nagkakamali siya. Wala naman itong magagawa kung sakaling patayin ko na siya ngayon. "Boss, huwag ka masyadong magmadali. Marami akong nakikitang bantay mula dito sa puwesto ko," wika ni Chris mula sa suot kong earpiece. "Okay." Nanggigigil akong pinagmamasdan si Ronald na masayang nakikipagtawanan sa kliyente niya. Panigurado maraming droga ang kinuha sa kaniya nito. Lumipas ang ilang minuto ay nakipagkamay na sa kaniya ang kaniyang kausap at sabay silang tumayo. Mukhang tapos na ang kanilang diskurso. "Hoy pangit. Sa likuran lang kita. Wala kang ibang gagawin kun'di ang dalhin ang bag na 'yan." Nanlalaki ang kaniyang matang tumingin sa akin. "Ha? Jusmiyo marimar! Ayokong dalhin 'to! Puro baril 'to eh! Baka mamaya putukan ako nito!" "Hinaan mo ang boses mo kung ayaw mong ako ang puputok sa iyo." Her expression changes abruptly. She is now grinning widely. "'Yan ang gusto ko. Ikaw ang puputok sa akin. Puwede bang putukan mo na ako now?" Mariin akong napapikit. "T*ng ina mo huwag mo akong gag*hin ngayon. Mapapatay kita sinasabi ko sa iyo," gigil na wika ko sabay tingin sa likuran niya. Wala na si Ronald pati ang kausap niya kaya napatayo ako. "F*ck!" Bigla kong hinatak ang babaeng 'to. "Bilisan mo pangit!" "Hindi pangit ang pangalan ko. Veronica ang pangalan ko!" "Whatever pangit!" Kaagad akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ito. Nakita ko namang sumunod din sa akin si Chris. Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo ng sasakyan. Mabuti na lang naabutan ko si Ronald. Puwesto ako sa likuran nila. Nang mapunta kami sa daan kung saan wala masyadong tao ay kaagad kong hinarang ang sasakyan ko sa harapan nila. "Huli ka," bulong ko sabay labas ng sasakyan. "Long time no see, Ronald." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Napalunok siya nang makita ako. Kaagad siyang nagtago sa likuran ng mga tauhan niya. Napatingin ako sa tattoos na nasa kanang kamay ng dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon. May initials itong BD. Ibig sabihin ay Black Dragons. Ibig sabihin ay binigyan talaga siya ng tauhan ng hayop na 'yon. Napakabait naman pala niya. "Anong kailangan mo sa akin?" Bakas sa boses niya ang takot. Mukhang nanginginig na ang tuhod ng lalaking 'to. "Buhay mo." Mabilis kong sagot. "Wala akong kasalanan sa iyo. Wala akong natatandaan na may ginawa akong masama sa iyo." May diin niyang sabi sa akin. Ngumisi ako. "Talaga? Isipin mong maigi." Ilang beses siyang napalunok. "W-wala akong maalala." "Talaga?" Kinuha ko ang baril ko at itinutok ito sa kaniya. Biglang humarang sa kaniya ang dalawang tauhan niya na ngayon ay nakatutok na ang baril sa akin. Natawa ako bigla. Lumabas mula sa sasakyan si Chris sabay tutok ng baril kay Ronald. "Pag-usapan natin 'to Mr. Montero. Wala akong ginagawang masama laban sa iyo. Maniwala ka sa akin." Gusto kong matawa sa itsura niya. Halatang kinakabahan na siya ngayon. "Pag-usapan? Sana naisip mo 'yan bago mo sinabi sa lalaking 'yon kung nasaan ang kuta namin. Nang dahil sa iyo ay maraming namatay sa tauhan ko. Kupal ka kasi. Kung inaakala mo nasa malakas kang panig, nagkakamali ka." Tumingin ako kay Chris sabay talikod. Hindi pa ako nakalalayo nang muli akong humarap sa kanila at pinutukan sila ng baril. Mabilis ang paggalaw ko at kaagad akong nagtago sa sasakyan ko. Patuloy pa rin ako sa pagbaril sa kanila. "Pangit! Akin na ang bag!" sigaw ko sa kaniya. "Oh!" sigaw niya sabay tapon sa akin ng bag. Lumabas siya ng sasakyan at saka tumakbo palayo sa amin. Nakatakip ang dalawang tainga niya habang tumatakbo. Nagtago siya sa isang malaking puno na nakatayo dito sa gilid ng kalsada. Walang masyadong tao dito dahil shortcut itong daan. Puro palayan lang ang naririto at mga puno. Wala masyadong bahay. "P*tang ina!" sigaw ng tauhan niyang tinamaan ko sa binti. Kukunin niya pa sana ang baril niya nang barilin ko na siya sa ulo. Patakbo pa sana si Ronald nang tamaan ko siya sa braso. Tumakbo ako palapit sa kaniya. Ngumisi ako nang makita ko ang itsura niya. "Paalam, kaibigan." "Huwag---" Binaril ko siya sa ulo. Walang buhay na bumagsak ang katawan niya sa kalsada. Nagkatingin kami ni Chris. Sumenyas ako na tingnan niya ang sasakyan ni Ronald. Nakita niya ang isang briefcase doon. Panigurado droga ang laman no'n. "Dalhin mo 'yan sa opisina ko." "Copy boss." Wala na akong sinayang na oras at kaagad na akong sumakay sa sasakyan. Pinaharurot ko kaagad 'yon. Tanga talaga ang Ronald na 'yon kahit kailan. Hindi man lang siya nagsama ng marami niyang tauhan. Akala ko pa naman marami siyang kasama pero dalawa lang pala. Siguro iniisip niya na walang gustong pumatay sa kaniya. Nakalimutan niya agad ang ginawa niya sa akin. Bigla na lang akong napahinto sa pagmamaneho nang maalala ko si pangit. "F*ck!" inis na sabi ko sabay U-turn. Naabutan ko siyang umiiyak sa puno kung saan siya nagtago kanina. Lumabas ako ng sasakyan at saka hinatak siya. Tikom lang ang bibig ko hanggang sa maipasok ko siya sa loob ng sasakyan. Napatingin pa ako sa mga taong nagkukumpulan sa bangkay nina Ronald. Panigurado parating na ang mga pulis kaya kailangan ko nang makaalis kaagad. Nang maisakay ko ang babaeng 'to sa sasakyan ko ay mabilis ko itong pinatakbo. Hindi nagsasalita si pangit. Tahimik lang siyang nakatanaw sa kalsada. "Ang tahimik mo yata." Basag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. "Hindi ko inakala na makakakita ako ng ganoon. Nagpapatayan sa harapan ko mismo. Grabe ka. Sanay na sanay ka sa ganoong gawain. Kung barilin mo ang lalaking 'yon sa ulo ay parang wala lang sa iyo." "Wala kang alam, babae." "Oo nga eh. Wala talaga akong alam sa pagkatao mo. Hindi ko akalain na gano'n ka pala kasama." Nagtangis ang ngipin ko. Anong karapatan niyang husgahan ako? Wala siyang alam sa nakaraan ko! Hindi niya alam ang pinagdaanan ko. "Manahimik ka na lang kung ayaw mong ikaw ang isunod ko." Hindi na siya muling nagsalita pa. Pasimple ko siyang nilingon. Bakas sa mukha niya na nagulat siya sa mga nangyari kanina. Napailing na lang ako sabay tuon ng paningin ko sa kalsada. Tahimik lang siya hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Para siyang robot na naglalakad papasok sa bahay niya hanggang sa makarating siya sa kuwarto niya. "Nagugutom na ako," sabi ko ng lumabas siya ng kuwarto niya. Hindi siya nagsalita. Sa halip ay nilagpasan niya lang ako at nagtungo siya sa banyo. Anong problema ng babaeng 'to? "Ang sabi ko ay nagugutom na ako." Hindi man lang niya ako tiningnan at dumiretso lang siya sa kuwarto niya. Isinara niya ang pinto pero hindi naman niya ni-lock ito. Tumayo ako at nagtungo sa kuwarto niya. Naabutan ko siyang nakahiga. Nakaangat ang suot niyang bestida kaya naman kita ang suot niyang panty na kulay itim. Siraulo talaga ang babaeng 'to. Hindi man lang nahiya sa akin. "Wala ka man lang lulutuin?" Tumingin siya sa akin. "Marami ka namang pera 'di ba? Um-order ka na lang ng pagkain mo. Wala akong ganang magluto." Matamlay niyang sabi. "Bakit?" "Hindi ko alam. Huwag mo na lang akong kausapin." Tinalikuran niya ako at saka tinakpan ng unan ang mukha niya. Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon. Dahil kaya ito sa nangyari kanina? "Gusto ko ang luto mo." "Magluto ka mag-isa mo." "Ano?" Inis akong lumapit sa kaniya at saka tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko. "Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang nagkaganiyan, ha? Nababaliw ka na naman ba pangit?" She rolled her eyes to me. "My name is Veronica Mandayao. Veronica ang pangalan ko hindi pangit. Huwag kang masyadong mapanglait dahil baka mamaya karmahin ka." "Okay fine. Ipagluto muna ako, Veronica. I'm hungry." "Wala nga akong gana. Nanghihina ang katawan ko." I raised my eyebrow. "What? Bakit?" Bumuntong-hininga siya. "Siguro dahil kulang ako sa dilig." What the f*ck? Baliw na nga siguro talaga siya. Akala ko seryoso siya pero mukhang nag-iinarte lang siya. "Bahala ka sa buhay mo." Tatayo na sana ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko Nanlaki ang mata ko nang mahawakan ko ang matambok niyang kuweba. Mas idiniin niya pa ang palad ko doon. "Matambok ba?" Nakangiting sabi niya sa akin sabay halik sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD