Lihim na nagbubunyi ang kalooban ni Silvia dahil sa pagkawala ng babaing tinik sa lalamunan niya. Magagawa na niya ang nais niya dahil wala na ang babaing wala na yatang alam kundi ang humarang sa kanya. "Hindi ikaw ang makakapigil sa plano ko. Gagawin ko iyan sa lahat ng nandito na kukuntra sa akin. Hawak ko sa ulo ang kasintahan ko kaya't malaya kong magagawa ang ninanais ko. Kunting kembot pa, matutupad na ang lahat ng plano ko. Gagawin ko ang lahat upang mapaniwala ko silang ako ang nawawala nilang sanggol." Nakaharap siya sa computer sa kaniyang opisina kahit wala siyang ginagawa. And so what? Malapit na ring mapasakanya ang MEC kaya't maari siyang maupo hanggat gusto niya. In her mind, kung hindi lang sana nila pinag-usapan sa loob ng opisna ang tungkol sa mga gano'ng bagay ay hin