Anong plano mo ngayon anak? Nagbitiw ka na pala sa trabaho mo?" tanong ni Mang Carlito ng naikuwento ng anak ang buong pangyayari sa MEC. "Sa ngayon 'Tay wala pa pero bukas mayroon. Maghahanap ako ng ibang trabaho. Hindi pa naman tayo naghihirap para abusuhin ang sarili natin. Huwag kang mag-alala 'Tay dahil saan man ako makarating ay kasama kita. Sasampa pa tayo nila Lola Berta at Alicia sa barko," sagot ng dalaga. "Alam ko naman iyan, anak. Labis akong nagpapasalamat dahil ikaw ang naging anak ko. Pero ang iniisip ko ngayon ay baka maisipan ng dati mong Boss na ipa-blocklist ka sa ibang kumpanya. Ako wala namang problema dahil may uuwian naman tayo sa Aurora para muling magsimula kaso ikaw ang iniisip ko." Tinabihan niya ito sa kinauupuan. "Ipa-block niya ako kahit saan mang sulok ng