Isang araw, naisipan ni Silvia na dalawin ang kasintahan sa opisina nito. Wala siyang pakialam kahit working hours. Sa isipan niya ay ano naman kung oras ng trabaho, samantalang siya na ang magiging amo sa buong kumpanya sa oras na matupad ang plano niya. Either of the two options, ang ipagpatuloy ang relasyon nila ni Oliver Carl o ang magiging Gwyneth Pearl Harden Sandoval. "Ikaw pala, Honey. Come in." Pinagbuksan siya ng katipan ng siya ay kumatok. Wala naman kasing nangangahas na pakialaman siya dahil takot silang baka magaya sa mga naunang sinibak niya. Kahit ang sekretarya nito ay napapatungo na lamang kapag nasa paligid siya. "Thank you, Honey," malambing niyang sagot bago ito sinalubong ng halik. May dala-dala rin siyang meryenda nilang dalawa. "Welcome, Honey. Sige na, bumalik