Laglag ang balikat niyang bumalik sa kumbento ng Aurora. Napag-alaman niyang ilang taon na rin pala nasa Manila ang mag-amang ilang taon niya hinahanap. Kung kailan siya naglakas-loob na bumalik sa Aurora ay saka pa niya nalamang wala na sila. Ibang pamilya na ang nakatira sa dati nilang bahay. Ang masaklap pa ay napag-alaman niyang dumalaw ang mag-ama sa Aurora mahigit isang buwan na ang nakalipas. Ibig sabihin ay nasa Manila pa siya ng panahong iyon. "May mas magandang plano ang Diyos kung bakit nangyayari iyan sa iyo, anak. Kagaya ng pagkapit mo sa DIYOS simula noon ay ganoon din ang gawin mo sa iyong paniniwala na makikita mo rin sila. Don't lose hope, anak. Kung kinakailangan mong bumalik sa Manila ay gawin mo upang mahanap mo sila. Kapag nangyari iyan ay maari ang bumalik dito sa ku