IKA-TRIYENTA UNO NA KABANATA

2039 Words

Kagaya ng napagkasunduan nila'y sasama si Agatha kay Cruise Ship Captain Mondragon. Pero kung kailan paalis na sila ay saka pa naman nakaramdam ng kaba ang dalaga. Bagay na hindi nakaligtas sa kaniyang ama. "Oh, anak? Mukhang balisa ka ah? Kanina pa kita napapansin diyan na parang hindi makapanganak na pusa," pukaw ni Mang Carlito. "Eh kasi naman 'Tay, kung kailan oras na lang aalis na kami ay saka naman ako parang kinakabahan," gumaralgal ang boses niya. Halatang kinakabahan. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil doon. Kaya naman nilapitan ito ni Aling Berta na unti-unti na ring napapalapit sa anak sa tulong ng mga nakapaligid. "Hindi ko man kayo nakasama ng matagal ng Tatay mo, apo, nararamdaman ko ang nais dahilan mo kaya alam kong iniisip mo pa rin ang Tatay mo. Iyan ang dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD