"Hindi ba mas maganda anak kung sasama ka muna sa amin sa Baguio para makilala mo naman ang mga kapatid mo? Hindi ka namin pipiliting manirahan doon kung mas gusto mo rito sa Manila total sa atin naman nag kumpanya," salungat ni Princess Ann nang ipahayag ni Silvia na sa Maynila magpatuloy ng trabaho. "Tama ang, Mommy, mo anak. Wala kaming magagawa kung dito mo gustong mgtrabaho. And besides maari ka namang magtrabaho sa Sandoval Agency dito. Your complete name is Gwyneth Pearl Harden Sandoval kaya't both side kung saan mo gustong magpatuloy sa trabaho'y susuportahan ka namin. Ang mahalaga'y masaya ka," segunda pa ni Phillip. Sa kaloob-looban niya'y nagbubunyi na siya. Tinanggap siya agad ng pamilya na walang kaduda-duda. Ayaw rin naman niyang mabuko siya kaya't kahit ayaw niyang sumama