Halos mapuno ng mga tao ang malawak na playground ng pribadong eskwelahan na pinapasukan nina Zevi at Zach dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ang family day. Mula sa isang bench ay tahimik na nakaupo ang kambal habang malungkot na pinagmamasdan ang kanilang mga kaklase na masayang nakikipaglaro sa kanilang mga tatay. "Zach, why didn't we tell mommy about the family day?” Malungkot na tanong ni Zevi sa kanyang kapatid habang pinapanood ang isa niyang kaklase na naglalambing sa ama nito. “Last night, I saw mommy was so busy and looks tired, so I don’t want to disturb her.” Sagot ni Zach habang masusing pinag-aaralan ang lahat ng mga bagay na bago sa kanyang paningin. “Hey, Zach, where’s your Mom? You don’t have a daddy?” Imbes na sagutin ang tanong ng kanyang kaklase ay tahimik na tumayo s