“Oh, Iho, ang aga-aga nakasimangot ka, may problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Mommy, napangiti ako ng makita ko ang maganda nitong mukha. Sa totoo lang ay kung titingnan ang aking ina ay para ko lang din siyang kapatid. “Mom, nasaan si Daddy?” Tanong ko sa kanya bago humalik sa noo nito at sabay kaming umupo sa may sala’s. “Maagang umalis ang daddy mo, nagkaroon kasi ng emergency sa isa sa mga branch natin. Bakit ang aga mo yata ngayon dito? Wala ka bang balak na pumasok sa opisina mo?” Nagtataka niyang tanong sa akin, dahil kilala ako ng lahat bilang isang workaholic pero ngayon ay nandito ako sa bahay ng mga magulang ko at nagsasayang ng oras. “Gusto ko lang magpahinga kahit konting oras lang, Mom.” Ani ko habang tinitingnan ang laman ng aking cellphone baka sakaling may