Vernice Point of view “Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan pa talaga na couple shirt ang suot natin?” Nagmamaktol kong tanong habang hila-hila ni Zac ang aking kanang kamay. “It’s our last night here in Europe so let’s enjoy this night.” Nakangiting sagot ni Zac na tila walang pakialam sa nakasimangot kong mukha at sa walang humpay na kakareklamo ko. Tinatamad kasi ako na lumabas ngayon at gusto kong matulog kaso mapilit ang isang ‘to kaya wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nawala ang inis ko ng tumambad sa akin ang malawak na karagatan at ng mga oras na ito ay nagtatakip silim na kaya nagsabog ang kulay kahel sa buong kalangitan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya natural na romantic ang dating ng buong paligid. Literal na uma