Charles's point of view continuation Pagkatapos kong kausapin si Madel ay kinausap din ako ni Vince na mag dinner sa bahay niya . Pumayag na rin ako dahil nanduon si Nathalie. Bumalik ang aking mga tauhan na hindi na nahabol ang mga tumambang sa amin, naintindihan ko naman dahil kahit gaano sila kagaling ay hindi nila alam ang pasikot-sikot dito sa Manila. Lalo na at sobrang dami ng sasakyan. Nagkaya-kanya na muna kami nina Vince. Siya na ang sumama kina Natan kasama si Madel at Nathalie ako naman ay umuwi sa aking Hotel at kumain kami ng lunch ng aking mga tauhan. Pagkatapos ay nag pahinga na muna ako sa aking kwarto, habang nakahiga ako ay agad kong tinawagan ang aking private investigator dito sa Pilipinas. Sinabi ko kung saan nakatira ngayon ang Tatay ni Madel buti at malapit lang