Nathalie (POV) Ayoko sanang sumama sa pinsan ko pabalik sa bahay nina Tito pero sinabi daw ni Tito na kung hindi ako uuwi ay siya na mismo ang pupunta sa bahay para kunin ako dahil asawa niya daw ako. Napakuyom nalang ako sa aking mga kamao at nagtitimpi. Ayokong mahalata ni Daddy na galit ako dahil sigurado akong i corner niya ako at tanungin kung anong problema ko. Pagdating namin sa bahay nina Tito ay masaya kaming nag-uusap ni Melissa. Inis na din ako sa pinsan ko dahil mukhang hawak na din siya ni Tito. Nagplano kami ni Melissa na mag outing, okay naman na siyang lumabas dahil may mask naman na siyang isusuot. Ilang saglit ay bumaba si Tito at ibinigay ang regalo niya kay Melissa. Masaya ako para kay Melissa dahil sa wakas ay malaya na siya pero natahimik ako ng marinig ko na kasa