Vince (POV) Mabuti at sa pag-aari ng asawa ko dati ko dinala sina Nat, Melissa at Robi dahil alam ko ang pasikot-sikot ng grocery na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala na kayang pumatay ng aking asawa. Pero kung hindi niya na gawa iyon ay siguradong patay na din ako dahil itataya ko ang aking buhay huwag lang nilang makuha ang aking anak. Mahimbing na ang kanyang tulog, sana ay hindi malaman ng mga kalaban ko na dito lang kami sa central asia nag tago. Hindi ko sila kayang harapin kung ganito na sina Melissa at Nat ang target nila. I can't even think properly kung paano sila labanan lalo na at buntis pa si Nat. Ayokong mapahamak silang mag-ina ko, ipinadala ko na ang mga ibedensya na nakalap ko kay General. Sana ay magkaroon na siya ng clue kung sino ang mga gustong kumuh