Vince failed plan (POV) Nakatulog na si Nat sa mesa pagkatapos naming labasan ng sabay, napansin ko na mabilis na siyang mapagod at makatulog. Nilinisan ko na muna siya at binuhat patungo sa kwarto, dinamitan ko na siya at pagkatapos ay kinumutan ang kalahati ng kanyang katawan. Hinalikan ko ng mariin ang matamis niyang labi at lumabas na ako sa kwarto. May tumawag sa telepono ng opisina kaya sinagot ko na ito dahil baka umalis na si Madel. Ang tao sa lobby ang tumawag at nagkaroon daw ng putukan kaya. Iniwan ko na muna si Nat at mabilis akong bumaba. Agad kong kinausap ang mga guards at pulis, nalaman ko na si Madel ang puntirya ng lalaking nakabarilan ng mga guards buti daw at mabilis na tumakbo sa loob si Madel at nakapagtago. Inilabas ko ang aking telepono at nakita ko ang mga tawa