KABANATA 5

1416 Words
THIRD PERSON POV Masayang nagkukwentuhan ang magkaibigang Ruth at Megan habang bumibiyahe gamit ang kotse ni Ruth papunta sa venue ng isang intimate wedding kung saan silang dalawa ang kinuhang official photographers. Co-owners silang dalawa ng isang photographic studio. Megan: Mars, bigatin itong client natin ngayon, ah. Anak ng kilalang may-ari ng isang clothing brand dito sa bansa natin. Si Chelsea Visitacion na anak ni Mr. Brandon Visitacion. Lumingon sandali si Ruth kay Megan na nakaupo sa passenger seat para ngitian ito at muling ibinalik sa daan ang atensyon. Ruth: Yes, kaya galingan natin. Malay mo kapag nagustuhan nila 'yong service natin, i-refer pa tayo sa ibang kakilala nila. Dadami pa ang ating big clients. Malakas na tumawa si Megan at nakipag-high five sa kaibigang si Ruth na siyang nagmamaneho ng kotse. Megan: Ang bongga nga ng venue ng garden wedding. At talagang pinagbawalang pumasok ang press kasi nga intimate wedding. Inabot ni Megan ang cellphone na nasa loob ng handbag nito. Ruth: Eh, 'yon kasi ang choice ng groom. Private na tao yata. Nagkibit-balikat si Ruth. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa magkaibigan bago nilingon ni Ruth sa Megan na mukhang busy sa kung anuman ang tinitingnan nito sa screen ng cellphone nito. Ibinalik ni Ruth ang concentration sa pagmamaneho bago muling nagsalita. Ruth: Mukhang busy ka na riyan, ah. Para namang nagulat si Megan na napaangat ang ulo nang marinig ang boses ng kaibigan. Nawala ang atensyon nito sa tinitingnan sa screen ng phone nito at nalipat kay Ruth. Megan: Wala, nakita ko lang na nag-post ng photo 'yong ex-boyfriend ko sa social media. Mukha namang naka-move on na siya. Maganda 'yong girl na kasama niya sa photo. Hindi nga lang hot na katulad ng kaibigan mo. Sandaling nilingon ni Ruth ang kaibigan at inirapan ito. Ruth: Naku. Parang mas lumamig dito sa loob ng kotse. Lumalakas ang hangin. Malakas na tumawa si Megan. Megan: Nagsasabi lang ako ng totoo. Itanong mo pa sa asawa mong si Von. Lalaki siya. Alam na alam niya panigurado kung hot ang isang babae o hindi. And for sure eleven over ten ang magiging rate niya sa akin. Si Ruth naman ang tumawa ng malakas. Ruth: Hay naku, mars. Asa ka pa ba kay Von? Walang ibang nakikitang maganda at hot na babae 'yon kundi ako lang. Nag-hair flip pa si Ruth gamit ang kanang kamay. Pangisi-ngisi naman si Megan. Megan: Huwag kang kampante, mars. Hindi mo palaging nababantayan ang asawa mo. Gwapo pa naman si Von at very hot for his age. Mamaya marami na palang umaali-aligid sa kanya, tapos ikaw wala man lang kaide-ideya. Tumawa lang si Ruth sa sinabi ni Megan. Ruth: Alam mo, mars, may tiwala ako kay Von. Hinding-hindi ako lolokohin niyon. Hindi 'yon katulad ng una kong asawa na kahit siguro nakapaldang poste ay papatulan para lang matanggal ang kati sa katawan. Lumingon muna si Ruth kay Megan bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ruth: Loyal 'yon si Von at higit sa lahat, faithful. 'Yong mga babaeng sinasabi mo, hanggang tingin lang sila. Pero hindi nila maaangkin ang asawa ko. Itaga mo 'yan sa bato. Mas lalong lumaki ang ngisi sa mga labi ni Megan. Megan: Okay, sabi mo, eh. Faithful si Von, isang perfect husband. Hindi maaagaw ng iba. Sinamahan pa ng tawa ni Megan ang sinabi nito. Ruth: Of course! Proud na proud na sabi ni Ruth. Maya-maya ay nilingon si Megan at kunot-noong ibinalik ang atensyon sa kalsada bago muling nagsalita. Ruth: Teka nga. Bakit ba napunta sa asawa ko ang usapan? 'Yong ex-boyfriend mo ang pinag-uusapan natin kanina. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung p-in-ursue mo na 'yong guy na siyang dahilan kung bakit nakipag-break ka sa ex-boyfriend mo. Natigilan si Megan sa sinabi ni Ruth pero agad ding nakabawi. Megan: Ah, 'yon ba? Actually, malapit na akong mag-make ng move doon sa guy. Hinihintay ko lang mawala 'yong asungot. Kumunot ang noo ni Ruth habang nagmamaneho. Ruth: Asungot? Anong asungot? Ngumisi si Megan at itinuon ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Megan: Hindi ano. Kundi sino. May asungot kasi sa pagitan naming dalawa. Biglang napabuka ang bibig ni Ruth ngunit walang lumabas na salita mula roon. Mukhang nakukuha na niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Megan: Well, kaya ko namang isahan 'yong asungot na 'yon. In no time, mapapasaakin na si guy. Malanding tumawa si Megan. Ruth: Seryoso ka ba riyan, mars? Maninira ka ng relasyon dahil lang type mo 'yong guy? Sandaling lumingon si Ruth kay Megan bago muling itinuon ang atensyon sa daan. Megan: Anong dahil lang type ko 'yong guy? Umismid si Megan. Megan: Hindi lang dahil type ko siya, kundi mahal ko na rin 'yong guy. Nag-aalalang tiningnan ni Ruth si Megan bago muling nag-concentrate sa pagmamaneho. Ruth: Payong-kaibigan lang, mars. Delikado 'yang papasukin mong sitwasyon. Walang kasiguraduhan kung panalo ka sa huli. Maganda ka. Maraming isda sa dagat. Hindi mo kailangang makipag-agawan. Ngumisi lang si Megan. Megan: Anong magagawa ko? Mahal ko na 'yong tao. Humugot ng malalim na paghinga si Ruth. Hindi siya sang-ayon sa gagawin ng kaibigan. Ilang taon na silang magkaibigan ni Megan at ang gusto niya lang ay maging masaya ito at huwag mapahamak. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa venue ng intimate garden wedding ng client nila para sa araw na iyon. Tulad nang inaasahan ay kaunti lang ang invited sa wedding ceremony. Family and closest friends lang ng bride and groom. Wala pa ang groom at halatang tensyonada na ang bride na si Chelsea Visitacion. Nang malaman ng bride na si Chelsea na nakarating na sa venue ang official photographers para sa wedding nito ay ipinatawag nito ang dalawa sa loob ng kwarto na nakalaan para sa bride. Kasama nito ang maid of honor na si Laura at ang tatlong bridesmaids na sina Graciela, Kathleen, at Priscilla sa loob ng kwarto. Nagpakuha ng litrato kina Ruth at Megan ang bride kasama ang maid of honor at bridesmaids nito. Pabulong na nag-uusap ang mga ito habang kinukunan ng litrato, pero si Megan ay dinig na dinig sila. Chelsea: I don't know kung bakit wala pa si Charles. Nagtaas ng isang kilay si Priscilla. Priscilla: He might have overslept, Chels. Don't worry about him. Darating din 'yon. Pasimpleng umirap si Kathleen kay Priscilla. Kathleen: Or maybe he's experiencing wedding jitters? Tumawa si Kathleen na ikinairap naman nina Graciela at Priscilla. Graciela: Or maybe na-traffic siya? Nagkibit-balikat si Graciela. Laura: Girls, focus on the camera. Mamaya na ang tsismis. Matapos kuhaan ng litrato ang bride kasama ang maid of honor at bridesmaid nito ay sandaling nag-usap sina Ruth at Megan. Tutal ay hindi pa rin dumarating ang groom. Megan: Alam mo, feeling ko parang may animosity doon sa limang babae kanina. Parang naiinggit sila sa bride. Ganoon kasi iyon. Kapag naiinis tayo sa ibang tao rahil mayroon sila na wala tayo. Baka type nila 'yong groom at nagseselos sila na 'yong friend nila ang pakakasalan? Nagniningning ang mga mata ni Megan na akala mo ay tumama sa lotto. Parang naka-jackpot ito at pakiramdam nito ay tama ang hinala tungkol sa limang babaeng kinuhanan nila ng litrato kanina. Megan: What do you think, mars? Humugot ng malalim na paghinga si Ruth at umiling. Ruth: Mas curious ako kung bakit may ideya ka sa ganyan. May kinainggitan ka na ba? At saka, hindi magandang pinag-uusapan natin ang ibang tao, mars. Client pa man din natin 'yong isa sa limang babae. Parang bigla namang nahiya si Megan at tumango na lang. Megan: Sabi ko nga, mars. Tanghali na nang matapos ang wedding ceremony. Ngayon ay oras na para sa wedding reception. Kasalukuyang kumakain na si Megan habang si Ruth naman ngayon ang kumukuha ng mga larawan sa nagaganap na "the toast". Habang kumakain ay narinig ni Megan na nag-ring ang phone ni Ruth na iniwan ng kaibigan sa ibabaw ng table kung saan silang dalawa nakapwesto. Pasimpleng sinilip ni Megan ang screen ng phone ni Ruth. Tumatawag ang asawa ng katrabaho. Si Von. Pasimpleng tiningnan ni Megan si Ruth na abala sa pagkuha ng larawan. Muling tiningnan ni Megan ang phone ni Ruth. Hindi alam ni Megan, pero sinagot nito ang tawag ni Von. Megan: Hello? Ilang sandaling hindi nagsalita si Von mula sa kabilang linya. Napangisi si Megan. Marahil ay alam nitong hindi ang asawa nito ang sumagot ng tawag. Von: Megan? Isang malanding ngisi ang pinakawalan ni Megan. Megan: Yes, it's me, stud. Isang malakas na pagsinghap ang narinig ni Megan mula sa kabilang linya. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD