THIRD PERSON POV
Sa kailaliman ng gabi, sa isa sa mga kwarto ng ancestral house ng angkan ng mga Reverendos ay mahimbing na natutulog si Von.
Katabi ni Von sa ibabaw ng kamang kanyang kinahihigaan ang asawang si Ruth.
Katulad nang mga nagdaang gabi ay muli na namang napapanaginipan ni Von ang limang tinig ng boses na nagmamay-ari ng limang pares ng kamay na pinaglalaruan ang kanyang katawan.
Sa loob ng isang madilim na kwarto ay hindi alam ni Von kung saan ibabaling ang kanyang tingin. Limang tinig ng boses ng iba't ibang babae ang tumatawag sa kanya.
"Ninong Von, kailangan kita."
"Tito Von, isang gabi lang na kasama ka sa kama ay masaya na ako."
"Tanggalin mo ang init ng aking katawan, Von."
"Mahal na mahal kita, Von."
"Ninong Von, sa iyo lang ang aking katawan."
Pamilyar ang mga tinig ng boses na naririnig ni Von. Kung dati ay hindi niya maapuhap sa kanyang isipan kung sinu-sino ang mga ito, ngayon ay kaya nang pangalanan ni Von ang bawat tinig ng boses na kanyang naririnig.
Tulad pa rin nang dati ay mas nangingibabaw kay Von ang nararamdaman ng kanyang katawan.
Hindi alam ni Von pero nag-iinit siya sa kanyang mga naririnig. Unti-unting naninigas ang kanyang alaga.
Nagulat si Von nang pagtingin niya sa gitnang parte ng kanyang katawan ay nakahubad siya.
Biglang may lumitaw na dalawang kamay na nilalaro ang naghuhumindig na alaga ni Von. Gusto niyang umungol ngunit walang lumalabas na tinig mula sa kanyang lalamunan. Nakanganga lamang siya ngunit walang tunog na lumalabas mula sa kanyang bibig.
Ganoon na lamang ang panggigilalas ni Von nang makitang may kasama ng mga bisig at braso ang dalawang kamay na naglalaro sa kanyang malaking alaga.
At nang iangat pa ni Von ang kanyang tingin ay nakita niyang may mga balikat, leeg, at mukha na ring kasama ang dalawang kamay na iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Von nang makitang ang inaanak na si Rochelle ang naglalaro sa kanyang matigas na alaga.
Tigagal pa rin si Von sa pagkakatitig kay Rochelle sa kanyang harapan nang may maramdaman na naman siyang isa pang pares ng kamay sa kanyang katawan. Humahaplos sa likod ni Von ang isa pang pares ng kamay.
Hindi maigalaw ni Von ang kanyang katawan kaya kahit gusto niyang lingunin kung sino ang humahaplos sa kanyang likod ay hindi niya magawa.
Sigurado si Von na may mukha na rin ang pares ng kamay na humahaplos sa kanyang likod.
Napatingin muli si Von sa kanyang naghuhumindig na alaga. Nilalaro pa rin iyon ng kanyang inaanak na si Rochelle.
Marahang hinihimas ni Rochelle ang katawan at ulo ng kanyang matabang alaga.
Maya-maya ay may lumitaw na namang isa pang pares ng kamay at hinahaplos nito ang malapad na dibdib ni Von.
Katulad ng pares ng kamay na naglalaro sa malaking alaga ni Von ay may kasama na ring mga bisig, mga braso, mga balikat, leeg, at mukha ang pares ng kamay na humahaplos sa matigas na dibdib ni Von.
Pakiramdam ni Von ay napasinghap siya ng malakas nang makita ang mukha ng nagmamay-ari ng pares ng kamay na naglalandas sa kanyang maumbok na dibdib.
Kitang-kita ni Von ang mukha ng kanyang kumareng si Rosanna.
Napaigtad si Von nang may biglang pumisil ng kanyang malamang pang-upo. Isa na namang bagong pares ng kamay ang pumipisil-pisil sa kanyang pang-upo.
Sinubukang igalaw ni Von ang kanyang mga braso at binti ngunit hindi niya ito maigalaw. Para siyang ipinako sa kinatatayuan.
Tanging ang balakang lamang ni Von ang kanyang naigagalaw sa tuwing napapaigtad siya rahil sa paglalaro ng isang pares ng kamay sa kanyang pang-upo.
Nakatitiyak si Von na may mukha na ring kasama ang pares ng kamay na pumipisil-pisil sa kanyang pang-upo.
Maya-maya ay may isang pares ng kamay na lumapat sa magkabilang pisngi ni Von. May nararamdaman siyang mainit na hanging dumadampi sa kanyang mga labi.
Naramdaman ni Von na may lumapat na malambot na bagay sa kanyang mga labi.
Nanlalaki ang mga mata ni Von nang makitang ang malambot na bagay na nakalapat sa kanyang mga labi ay ang mga labi ni Megan, ang kaibigan at katrabaho ng kanyang misis.
Si Megan ang nagmamay-ari ng pares ng kamay na nakasapo sa mukha ni Von.
Ibinaling ni Von ang tingin sa kanyang inaanak na si Rochelle. Nakakulong pa rin sa mga palad nito ang matigas na alaga ni Von.
Nararamdaman pa rin ni Von ang pares ng kamay na kumakalmot sa kanyang maskuladong likod.
Sunod na tiningnan ni Von ang kanyang kumareng si Rosanna. Nilalamas pa rin ng mga kamay nito ang kanyang malapad na dibdib.
Tuloy din sa paghampas-hampas ng kanyang malamang pang-upo ang isa pang pares ng kamay.
Nang dumako ang paningin ni Von kay Megan ay naramdaman niyang nakasapo pa rin ang mga kamay nito sa kanyang mukha at pinanggigigilan ang kanyang magkabilang pisngi.
Habang tumatagal ay mas dumidiin ang paghaplos at paglalaro ng mga pares ng kamay sa katawan ni Von. Nag-iinit siya at pakiramdam niya ay malapit na siyang sumabog.
Ilang sandali pa ay parang paputok na bigla na lang dumura ng maraming malapot na likido ang malaking alaga ni Von.
Kasabay ng sunud-sunod na pagbulwak ng mga likido ni Von mula sa bibig ng kanyang malaking alaga ay ang unti-unting paglaho ng mga pares ng kamay na kanina ay walang tigil na pinaglalaruan ang kanyang katawan.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Nagulat si Von nang magawa niyang lumingon sa bawat sulok ng madilim na kwartong iyon.
Naigagalaw na ni Von ang kanyang katawan.
Ang hubad na katawan ni Von.
Ngayon lamang narinig ni Von ang mga katagang iyon. Hindi katulad nang mga nagdaang gabi ay ngayon lamang naigalaw ni Von ang kanyang katawan.
Walang nakikita si Von sa paligid kundi ang dilim na bumabalot sa buong kwarto.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Limang tinig ng boses ang naririnig ngayon ni Von.
Sigurado si Von na hindi pamilyar sa kanya ang mga tinig ng boses na iyon. Animo'y galing sa lupa ang mga tinig na iyon kung pakikinggang mabuti.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Kasabay nang ilang beses na pag-ikot ni Von sa loob ng madilim na kwartong iyon para hanapin ang pinanggagalingan ng mga tinig ng boses ay ang muling paninigas ng kanyang alaga.
Hindi alam ni Von pero parang nabubuhayan ang kanyang dugo sa mga katagang binibigkas ng mga tinig ng boses na iyon.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Nagbubutil na ang mga pawis sa sentido ni Von at parang nakararamdam na rin siya ng pagkahilo.
Nang bigla ay parang umikot ang paningin ni Von. Pakiramdam ni Von ay mabilis na umiikot ang madilim na kwartong iyon.
Pabilis nang pabilis ang pag-ikot ng madilim na kwarto ngunit sa bawat pag-ikot nito ay may nahahagip na mga bulto ng mga tao ang paningin ni Von.
Sa sobrang bilis nang pag-ikot ng madilim na kwarto ay hindi maaninag ni Von ang mukha ng mga bulto ng mga taong nakatayo sa iba't ibang sulok ng kwartong iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Von nang makitang parang naglalakad palapit sa kanya ang mga bulto ng mga taong kanina ay nakatayo lamang sa bawat sulok ng madilim na kwarto.
Ilang hakbang pa ay maaabot na si Von ng limang bulto ng mga taong parang nagliliwanag ang mga mukha sa kadilimang bumabalot sa buong kwarto.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Hindi alam ni Von kung paano iiwasan ang limang bulto ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang pagdapo ng mga kamay ng mga bulto ng mga taong iyon sa kanyang katawan.
Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay walang naramdamang mga pares ng kamay si Von.
Unti-unting idinilat ni Von ang kanyang mga mata at ganoon na lamang ang kanyang pagtataka.
Inikot ni Von ang kanyang tingin sa buong paligid. Naroon pala siya sa loob ng kwartong kanyang inookupa sa ancestral house ng kanyang mga ninuno.
Lumingon si Von sa kanyang tabi. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang kanyang asawang si Ruth.
Pinakiramdaman ni Von ang kanyang katawan. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba.
Nagtataka si Von sa ibang mga pangyayari sa kanyang panaginip kanina. Hindi ito katulad sa kanyang mga panaginip nang mga nagdaang gabi.
Ngayon ay may mga mukha na ang mga pares ng kamay na gumagawa ng kahalayan sa katawan ni Von sa kanyang panaginip.
Nakita ni Von ang mukha ng kanyang inaanak na si Rochelle, ang mukha ng kanyang kumareng si Rosanna, at ang mukha ni Megan na kaibigan at katrabaho ng kanyang misis.
Sina Rochelle, Rosanna, at Megan ang tatlo sa limang babae na may kaboses sa limang tinig ng boses sa panaginip ni Von.
Ang natitira pang dalawang babae ay sina Angel at Betsy at sigurado si Von na silang dalawa ang nagmamay-ari ng mga pares ng kamay na rumoromansa sa kanyang likod at pang-upo.
Sa panaginip din ni Von ngayong gabi ay may mga bagong tinig ng boses siyang narinig.
Limang tinig ng boses na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa kung pakikinggang mabuti.
Paulit-ulit din ang mga katagang binabanggit ng mga bagong tinig ng boses na iyon.
Nakasisiguro si Von na kailanman ay hindi pa niya narinig ang ganoong uri ng tinig ng boses.
"Likido ng buhay!"
"Sa amin ay ialay!"
"Katas ng init!"
"Sa amin ay huwag ipagkait!"
"Kami ay iyong palayain!"
Mariing pumikit si Von nang marinig sa isipan ang mga katagang iyon na sinasambit ng mga bagong tinig ng boses sa kanyang panaginip.
Malalim na nagbuntung-hininga si Von at idinilat ang mga mata at muling tinitigan ang natutulog na asawa.
Von: Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?
Ibinulong ni Von ang mga katagang iyon sa hangin.
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay bumaba mula sa kama si Von at naisipang pumunta ng kusina para uminom ng tubig.
Dahan-dahang inilapat pasara ni Von ang pintuan ng kwartong inookupa nila ng kanyang asawa matapos niyang makalabas ng kwarto.
Pagkalagpas ni Von sa nakasaradong pintuan ng master's bedroom kung saan ang door handle ay may nakapalibot na tanikalang may kandado ay nagsimulang mag-usap ang limang nilalang na naroon sa loob ng kwartong iyon.
Sina Concepcion, Juliana, Kristina, Minerva, at Trinidad.
Trinidad: Mukhang tayo ay pahihirapan ng isang ito. Sa tantiya ko ay hindi natin siya agad mapapasuko.
Umiling si Juliana at sa seryosong mukha ay nagsalita.
Juliana: Sa tingin ko ay madali siyang magagapi ng aking si Rochelle. Mapangahas at sadyang tuso ang aking lipi.
Humalukipkip si Concepcion at taas-noong pinabulaanan ang sinabi ni Juliana.
Concepcion: Sa wari ko ay nagpapadalos-dalos ka sa iyong panghuhusga, Juliana. Nasaksihan nating lahat ang buong kapangahasang pagkagat ng aking liping si Betsy sa balikat ng lipi ni Alejandro.
Tinitigan ng masama ni Concepcion ang ibang nilalang.
Concepcion: Ang aking lipi ang magiging tulay para tayo ay tuluyan nang makatawid sa kabilang buhay.
Painsultong ngumisi si Minerva kay Concepcion.
Minerva: Na siyang dapat na maganap, Concepcion. Hindi ba at ikaw ang umusal ng sumpang ipinataw mo kay Alejandro at sa kanyang lipi?
Tumaas ang isang kilay ni Concepcion kay Minerva.
Concepcion: Maghunus-dili ka sa iyong panunumbat, Minerva. Wala sanang magiging suliranin kung walang mapangahas na bumaligtad ng aking sumpa.
Sabay-sabay na lumingon sina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad kay Kristina.
Si Kristina ay nahihiyang yumuko ngunit nang magsalita ay mariringgan ang kagalakan sa tinig ng boses nito.
Kristina: Ang tunay na pag-ibig ang magpapalaya sa ating----
Sunud-sunod na sinawata nina Concepcion, Juliana, Minerva, at Trinidad ang pagsasalita ni Kristina.
Concepcion: Hangal ka, Kristina!
Juliana: Hindi maaaring may Reverendos na lumigaya sa piling ng babaeng itinakda para sa kanila!
Minerva: Isang malaking insulto sa ating lahat kung hahayaan nating mamayani ang lipi ni Alejandro sa mundong ito!
Trinidad: Kaya ngayon pa lamang ay kailangang sikilin na natin ang kahibangan ng iyong liping si Megan sa lipi ni Alejandro kung nais mong sama-sama tayong makatawid sa kabilang buhay!
Nanatiling nakayuko si Kristina kaya hindi nasilip ng mga kasamang nilalang nito ang mala-demonyong ngiting sumilay sa mga labi nito.
----------
itutuloy...