THIRD PERSON POV
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Von. Gising na gising ang kanyang diwa rahil sa mga nangyari nang bumisita ang anak ng kanyang misis kasama ang girlfriend nitong si Betsy kanina.
Ang tinig ng boses ni Betsy nang haplusin nito ang likod ni Von kanina ay parehong-pareho sa isa sa mga boses sa kanyang panaginip. Panaginip na gabi-gabi niyang napapanaginipan.
"I hope ma-inspire si Orly sa iyo na mag-exercise para magkaroon ng ganitong katikas na likod, Tito Von. Kasi 'yong mga lalaking may ganitong kalapad na likod, no doubt kayang-kayang buhatin ang babae habang dinudurog ang hiyas."
Mariing pumikit si Von. Muli na naman niyang narinig sa kanyang isipan ang tinig ng boses na iyon ni Betsy nang bumulong ito sa kanya sa kusina kanina.
"Tito Von, isang gabi lang na kasama ka sa kama ay masaya na ako."
Kasunod ang kaparehong boses ng isa sa mga babae sa panaginip ni Von. Hindi siya pwedeng magkamali. Kaboses ni Betsy ang isa sa mga babae sa kanyang panaginip.
Bumuntung-hininga si Von. Kagabi ay kaboses ni Angel ang isa sa mga babae sa kanyang panaginip. Ngayon naman ay si Betsy. Kaboses din nito ang isa sa limang boses ng babae sa kanyang panaginip.
Ang limang boses ng babae na nagmamay-ari ng limang pares ng kamay.
Ang limang pares ng kamay na pinaglalaruan ang katawan ni Von.
Tiningnan ni Von ang asawang si Ruth na mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Gusto sana niyang sabihin dito ang tungkol sa kanyang kakaibang panaginip at ang maaaring kaugnayan ng panaginip na iyon kina Angel at Betsy, ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin nang hindi sinasabing parang inaakit siya ng dalawang babae.
Baka magkaroon ng awkwardness kung sasabihin ni Von sa asawa?
Ang mga salita ni Angel na parang may halong ibang kahulugan kagabi. Ang marahang pagdiin ni Betsy ng mga pakwan nito sa matikas na dibdib ni Von. Ang paglandas ng paa ni Betsy sa kanyang kaliwang binti. Ang paghaplos ni Betsy sa kanyang malapad na likod.
Aminin man o hindi ni Von ay naaapektuhan siya ng kaunti sa mga salita at mga kilos nina Angel at Betsy. Pero umaasa siyang mali ang kanyang hinalang parang inaakit siya ng mga ito.
Dahil hindi alam ni Von ang gagawin kung sakaling tama nga ang kanyang hinala tungkol sa kanyang inaanak niya at girlfriend ng anak ng kanyang asawa.
Hindi gusto ni Von na magkasala sa kanyang asawa.
Sana ay hindi katulad sina Angel at Betsy ng mga babae sa panaginip ni Von na pinagnanasaan siya. Na sana ay kaboses lang nilang dalawa ang dalawa sa limang babae sa kanyang panaginip.
Na sana ay hindi sina Angel at Betsy ang dalawa sa limang babae na pinaglalaruan ang katawan ni Von sa kanyang panaginip.
Sinubukang pumikit ni Von para makatulog na ngunit paulit-ulit niyang naririnig ang mga boses nina Angel at Betsy sa kanyang isipan.
"Good night, Ninong Von."
"I hope ma-inspire si Orly sa iyo na mag-exercise para magkaroon ng ganitong katikas na likod, Tito Von. Kasi 'yong mga lalaking may ganitong kalapad na likod, no doubt kayang-kayang buhatin ang babae habang dinudurog ang hiyas."
Mariing ipinikit ni Von ang kanyang mga mata na halos ikakunot na ng kanyang noo. Hindi niya alam pero parang nakararamdam siya ng init ng katawan dahil sa mga boses nina Angel at Betsy.
"Good night, Ninong Von."
"I hope ma-inspire si Orly sa iyo na mag-exercise para magkaroon ng ganitong katikas na likod, Tito Von. Kasi 'yong mga lalaking may ganitong kalapad na likod, no doubt kayang-kayang buhatin ang babae habang dinudurog ang hiyas."
Pabaling-baling ang ulo ni Von habang mariing nakapikit at halos mabali ang mga daliri sa kamay sa mahigpit na pagkakakapit sa bedsheet. Pinipigilan ang kanyang mga kamay na hawakan ang kanyang alaga at himasin ito habang paulit-ulit niyang naririnig ang mga boses nina Angel at Betsy sa kanyang isipan.
"Good night, Ninong Von."
"I hope ma-inspire si Orly sa iyo na mag-exercise para magkaroon ng ganitong katikas na likod, Tito Von. Kasi 'yong mga lalaking may ganitong kalapad na likod, no doubt kayang-kayang buhatin ang babae habang dinudurog ang hiyas."
Ibinaon ni Von ang kanyang mukha sa unan at sinubukang takluban ang likod ng kanyang ulo para makatulog.
Nasa ganoong posisyon si Von nang tuluyan na siyang dalawin ng antok na hindi na niya namalayan kung anong oras.
Kinabukasan ay sinamahan ni Von ang asawang si Ruth sa pamimili sa mall kasama ang kumare nilang si Rosanna. Inaanak ng kanyang asawa ang anak ni Rosanna na si Rochelle.
Kanina pa napapansin ni Von ang mga malalagkit na titig ni Rosanna sa kanya sa tuwing sigurado itong hindi mapapansin ng kanyang asawa. Hindi niya gustong mag-assume ng hindi maganda kaya hindi niya binibigyan ng ibang pakahulugan ang mga malalagkit na titig nito.
Maya-maya ay pumunta sa lingerie section ang asawa ni Von at ang kanilang kumare. Bigla ay naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang inaanak bago sila umalis ng bahay kanina.
Von: Sigurado ka bang hindi mo gustong sumamang mag-shopping, Angel? Para makapamasyal ka na rin. Ilang araw ka nang nag-o-online job hunting.
Tumango lamang si Angel kay Von. Nasa itaas pa ng bahay si Ruth at hinihintay ito ni Von sa sala.
Von: Baka may gusto kang ipabili?
Sandaling nag-isip si Angel at maya-maya ay pilyang ngumiti. Lumapit ito kay Von at bumulong.
Angel: Bilhan mo na lang ako ng thong, Ninong Von. Red thong. Kung walang red, ikaw na ang bahalang mamili. Lalaki ka naman. Alam mo kung ano ang babagay sa babae na magugustuhan ninyong mga lalaki.
Hindi alam ni Von pero parang nang-aakit ang tinig ng boses ni Angel. Sinisikap niyang huwag maapektuhan ng malamyos na tinig ng boses nito kaya pasimple siyang lumayo rito.
Von: Si-sige, Angel. Ti-tingnan ko kung makakakita ako.
Ngumisi lang si Angel sa nakitang reaction mula kay Von.
At ngayon nga ay nasa lingerie section si Von kasama ang kanyang asawa at ang kanilang kumare.
Napansin ni Von na malayo ang kanyang asawa at kanilang kumare mula sa kung saan siya nakatayo ngayon kaya sumimple siyang maghanap ng red thong para sa inaanak.
Sinisilip-silip ni Von ang asawa at ang kumare kung palapit na ba ang mga ito sa kanya. Hindi makapag-focus sa paghahanap ng red thong si Von at pinagtitinginan na siya ng ibang salesladies na marahil ay nagtataka kung bakit naroon siya sa pwesto ng expensive thongs.
Nakita ni Von na malapit nang matapos sa pamimili ng negligee ang kanyang kumare kasama ang kanyang misis kaya dinampot na lang niya ang isang set ng thong na nasa pinakamalapit sa kanya.
Hindi alam ni Von na ang disenyo ng dinampot niyang set ay see-through ang harapang bahagi. Iniabot niya iyon sa isang saleslady at in-assist siya papuntang cashier counter.
Lumingon si Von sa direksyon ng kanyang asawa at kumare. Nasa cashier counter din ang mga ito na nasa kabilang bahagi ng lingerie section.
Pinagpapawisan ng malapot si Von. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa kanyang asawa kung sakaling malaman nitong binilhan niya ng set of thongs ang kanyang inaanak nang hindi ito magdududa.
Pagkaabot ng cashier sa item na p-in-urchase ni Von ay agad niya itong isinilid sa loob ng paper bag na naglalaman ng ibang item na kanyang pinamili para sa sarili.
Nakahinga nang maluwang si Von nang makitang naglalakad pa lang palapit sa kanya ang asawa at ang kumare.
Sinalubong ni Von sina Ruth at Rosanna.
Von: O, nakahanap ba si mareng Rosanna ng negligee?
Tumawa si Ruth bago sumagot.
Ruth: Oo, love. Isusuot daw ni mareng Rosanna pagkauwi ni pareng Armand.
Ngumiti si Rosanna at lumapit kay Von. Hinaplos ang kanang braso ng lalaki.
Rosanna: Buti nga itong si mareng Ruth, hindi na kailangang magsuot ng negligee sa kama kasi huhubarin mo lang din, pareng Von.
Sanay na ang mag-asawang Von at Ruth sa pagiging touchy ni Rosanna. Tumawa lang si Ruth at parang naiilang naman na tumawa si Von.
Ruth: Hay naku. Mag-merienda na nga muna tayo.
Tumalikod na si Ruth at nagpatiunang lumakad.
Pagkatalikod ni Ruth ay humaplos ang kamay ni Rosanna mula sa kanang braso ni Von patungo sa kanyang malapad na dibdib. Mahinang kinurot ni Rosanna ang maliit na kanang bukol sa dibdib ni Von. Nagulat si Von at napaatras.
Ngumiti lang ng nakakaakit si Rosanna.
Rosanna: Ang tigas-tigas naman, Von.
Bigla ay nanlaki ang mga mata ni Von sa narinig na tinig ng boses ni Rosanna.
Pamilyar ang tinig ng boses na iyon ni Rosanna.
Hindi maaaring magkamali si Von.
----------
itutuloy...