Cassandra’s POV “Yah!” Pagkatapos kong sumigaw ng malakas ay nagpakawala ako ng isang malakas na sipa, inaasahan ko na tatama ito sa ulo ng kalaban ngunit bigo ako, dahil naiwasan nito ang sipa ko. Hindi ko na napaghandaan ang pag-ikot nito at mabilis itong napunta sa aking likuran. “Aughhhh!” Ang ungol ko ng tumama sa aking likuran ang isang malakas na suntok nito, na out of balance ako ngunit bago pa ako bumagsak sa sahig ay mabilis ko ng naitukod ang dalawang kamay ko. “Cass!” Narinig kong tawag sa akin ni Ronald ramdam ko sa tinig nito ang matinding pag-aalala. Napa ubo akong bigla at medyo nahihirapan na akong huminga. Hindi ko akalain na magaling ang makakalaban ko ngayon, dahil masyado kong minaliit ang kakayahan nito. May ilang oras na kaming naglalaban kaya nakakaramdam na