Harvey’s POV Malungkot kong pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Dati ang buhay ko ay kasing ningning ng mga bituin, puno ng kasiyahan ang bawat sandali, ngunit simula ng mawala si Cassandra ay tila nawalan ng liwanag ang mundo ko. Sa lumipas na ilang taon ay ito ang kadalasan na ginagawa ko, dahil ang buhay ko ay puno ng kalungkutan. Ang pagtanaw ko mula sa bituin ay may kakaibang pakiramdam na hatid sa puso ko na para bang nararamdaman ko ang presensya ng dalaga. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago magdesisyon na pumasok na sa loob ng aking kwarto. Natigil ako sa paghakbang at nanatiling nakatayo sa paanan ng kama. “Mr. Vanderberg, hindi ako makatulog pwede ba akong matulog sa tabi mo? Salamat.” Napangiti ako ng makita ko si Cassandra na bitbit ang k