Cassandra’s POV Parang natuklaw ng ahas si Mr. Vanderberg sa aking ibabaw, dahil hindi man lang ito gumagalaw at nanatiling nakatitig lang sa aking mukha. Wala itong imik at matagal na nasa ganoong posisyon. Ang kabang nararamdaman ko ay dagling naglaho napalitan ito ng sakit at galit. Pakiramdam ko anumang oras ay iiyak na ako ngunit sinikap ko na pigilin ang matinding emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Dignidad na lang ang meron ako at ayokong pati iyon ay tuluyang mawala sa akin, dahil ng mag tapat ako nang totoong nararamdaman ko para kay Mr. Vanderberg ay tuluyan ng nawala ang pride ko. Sinasabi ko na nga ba at sa pangalawang pagkakataon na umibig ako ay pagkabigo lang din ang matatanggap ko. Pero higit itong masakit dahil alam ko sa sarili ko na totoo itong nararam