Cassandra’s POV “Tatlong buwan din ang lumipas simula ng maaksidente ako, mula noon ay hindi na umalis sa aking tabi si Mr. Vanderberg. Pinagsabay nito ang trabaho at pag-aalaga sa akin. “Sweetheart, kailangan mo ng maligo dahil follow-up check up mo ngayon.” Sabi ni Mr. Vanderberg bago lumapit sa akin, tulad ng inaasahan ko ay binuhat ako nito upang dalhin sa loob ng bathroom. Sa totoo lang ay napaka over acting na nito, dahil hindi ko naman na kailangan na buhatin pa sapagkat magaling na ako. “Mr. Vanderberg, hindi ako lumpo at kaya ko ng maglakad dahil magaling na ako.” Anya dito ngunit hindi naman ito nakinig sa akin patuloy lang ito sa paghakbang patungong banyo. Maingat akong ibinaba nito sa sahig bago sinimulang hubarin nito ang suot kong damit. Sa pagkakataong ito ay hindi k