Basang-basa ng pawis na nag mamadaling humarap sa mga computer ang isang lalaki na parang excited na excited pang binuksan ang lahat ng screen saka isa-isang tiningnan ang mga monitor at hinahanap ang isang babae na kay tagal na n'yang iniintay na umuwi na sa wakas nag balik na ang nag iisang babae na minahal n'ya. Napatingin s'ya sa maraming picture ni Kinsley na nakadikit sa pader n'ya. "Salamat binalikan mo ako asawa ko." wika ng lalaki saka muling binalingan ang mga monitor. Natagpuan n'ya sa screen si Kinsley mabilis s'yang tumayo at literal na dinilaan ang screen kung saan n'ya nakikita ang babae kay tagal na n'yang pinapantasya na makamit kaso bigla naman itong umalis dahil nagkasakit yata ito. Lahat ng tungkol rito alam n'ya, alam din n'ya na scripted lang ang lahat ng sinabi nit