“KRISSA, it’s already twelve. Wala ka bang balak na kumain?” Inalis ni Krissa ang tingin sa monitor ng laptop niya at nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Nakita niya ang ka-work niya na si Gweneth na nakatayo sa harap ng cubicle niya. Apat na araw na ang simula no’ng mag-umpisa siyang mag-trabaho sa Galvez Firm. Sa unang araw niya sa trabaho ay pinakilala siya ng HR Manager sa ka-trababo niya bilang bagong engineer ng firm. And so far, so good wala namang problema sa mga ka-work niya dahil mababait ang mga ito. At mabilis na napakalagayan niya ang mga ito ng loob. “Lunch time na ba?” Tanong niya rito. Tutok na tutok kasi ang atensyon niya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang oras. May pinapagawa kasi si Jackson sa Engineering team. Kailang