BEWARE: NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! NAPANGITI si Krissa nang makita sa repleksiyon ng salamin ang sariling ayos sa sandaling iyon. Nakasuot siya ng red mini-dress. Hapit iyon sa katawan kaya na-emphasize ang katawan niya. Backless din iyon kaya kitang-kita ang makinis at maputing likod niya. Kinulot din niya ang dulo ng buhok to make her looks more seductive. Naka-light make up din siya pero ang lips niya ay red na red dahil sa lipstick na ginamit. At nag-spray siya ng channel perfume sa katawan para lalo siyang mabango. “Perfect,” wika ni Krissa ng matapos. Magba-bar hopping kasi siya. And guess what? Kasama niya si Jackson. Niyaya kasi siya nito. Gusto daw kasi nitong i-celebrate nilang dalawa ang pagkatanggap niya sa trabaho. At siyempre ang pagiging exclusively lovers d