Chapter 3

1037 Words
Chapter 3 Lumipas ang ilang taon, ang sanggol na nakita nang mag asawa ay pinalaki nila at pinangalanang Khethania. Lumaki ito sa piling nila at itinuring na tunay na anak. Habang lumalaki ito, alam ni Khethania na hindi siya tunay na anak nang mag asawa at masaya siya dahil pinalaki siya ng mga ito. Kilalang mandirigma ang magulang niya sa bayan nila sa Atlanta. Mahusay itong makipaglaban at gumamit nang espada. Tinuruan rin siya ng mga ito kung paano makipaglaban at gumamit ng sandata. Simple lang ang pamumuhay ng mga ito at kuntento na siya roon. Kasabay niyang lumaki ang totoong anak ng mga ito na si Caleb. Pareho silang sinanay ng mga magulang at madaling natuto. "Khet! Halika na, kakain na tayo!" Mula sa di kalayuan natanaw ni Khethania ang kapatid na papalapit. Nakahiga siya sa damuhan, sa ilalim ng malaking puno. Bumangon siya nang makalapit ito sa kanya. "Sige," sagot niya dito. "Tara na.'' Sabay silang naglakad pabalik sa bahay nila. Habang naglalakad sila panay kwento naman sa kanya si Caleb. Masayahin ito at palakaibigan kaya kahit na tahimik siya, ito lagi ang dahilan kapag ngumingiti siya. "May sasabihin kami saiyo, Khethania." Nag angat ng tingin si Khethania sa ina saka uminom ng tubig. Kumakain sila nang sandaling iyon, nang sabihin iyon ng ina. "Ano po iyon, ina?" tanong niya dito. Napansin niyang nagkatinginan ang magulang niya. Bago seryosong tumingin sa kanya. "Alam mo naman siguro na hindi ka namin tunay na anak, di ba?" sabi ng ama nila. Natigilan si Khethania. Alam niya ang bagay na iyon. "Oo, bakit po?" Hindi niya maiwasang magtaka. Simula kasi pagkabata hindi na lingid sa kaalaman niya na hindi siya tunay na anak ng mga ito. Ngunit masaya siya dahil tinuring pa rin siyang pamilya ng mga ito. "Alam mo bang sa Lugar ng Allejera ka namin nakita?" Muli siyang natigilan lalo na sa lugar na tinutukoy nito. 'Allejera,' sambit niya sa sarili. Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang alam sa lugar na iyon, pero minsan na niyang narinig na pinag-usapan ang lugar na iyon. Naririnig niya ang kwentong makapangyarihan ang Hari at Reyna sa kahariang iyon. Iyon lang ang narinig niya na tila ba kakaiba ang lugar na iyon. Nakaramdam siya ng kakaiba dahil sa sinabi ng mga ito. Lalo na nang marinig niya ang lugar kung saan siya nakita ng mga ito. "Ano po ba ang lugar na iyon, ama?" nagtatakang tanong niya dito. Hindi agad sila nakapagsalita dahil sa tanong niya. Kaya lalo siyang nagtaka. "Hindi kami sigurado pero doon ka namin nakita sa gubat ng Allejera," sagot ng kanyang ina. "Nang araw na iyon, nagkakagulo ang Allejera. Hindi namin alam noon kung ano talaga ang nangyari. Ngunit nang makarating kami dito sa Atlanta, doon namin nalaman na nilusob ng taga-Holland ang Allejera. Pinatay ang Hari at Reyna at ang mga taga-Holland ang pumatay,” sabi ng kanyang ama. "Pinatay? Eh sino na ang namumuno doon, ama?" bahagyang tanong ni Caleb. "Hindi na namin inalam pa, malayo dito ang Allejera kaya wala kaming alam kung ano na nga bang nangyari sa lugar na iyon matapos patayin ang Hari at Reyna,” sabi ng ama nila. Natahimik si Khethania. Wala siyang makuhang salita sa sinabi ng mga ito. Dahil maging siya walang alam sa lugar na iyon. Nagpatuloy siya sa pagkain pero napahinto siya nang mapansing tahimik ang mga ito. Tumingin siya sa magulang niya at nakita niyang nakatingin ang mga ito sa kanya. Natatanong ang mga matang tumingin siya sa mga ito. "Gusto mo bang alamin kung sino ka talaga, Khethania?" biglang tanong ng kanyang ama. Natigilan siya. "Hindi namin ito sinasabi upang umalis ka. Sinasabi namin ito para may alam ka at kung sakaling nais mong pumunta doon ay hahayaan ka namin," sabi naman ng kanyang ina. Hindi siya nakasagot sa mga ito. Bahagya siyang napabuntong hininga. Nanatiling tahimik sandali bago nagsalita. "Sa totoo lang po, matagal ko nang gustong itanong sainyo ang bagay na iyan. Kung saan niyo ako nakita noon, sadyang nakakagulat lang dahil sa lugar na binanggit niyo,”sabi niya sa mga ito. Tumingin siya sa magulang niya at bahagyang ngumiti. "Syempre gusto ko rin na malaman kung sino at kung saan ako galing. Naging masaya kasi ako masyado sa piling ninyo at nakalimutan ko nang alamin ang bagay na iyan,” nakangiti niyang sabi. Kumislap ang mga mata ng magulang niya at napangiti sa sinabi niya. "Gusto kong puntahan ang lugar na iyon at alamin kung sino ako,” seryoso niyang sabi. Napatango ang mga ito. "Pero alam mo ba kung saan iyon pupuntahan, Khet?" tanong ni Caleb sa kanya. Bumaling siya sa kapatid. "Hindi," sagot niya dito saka tumingin sa magulang nila. "Alam niyo ba ang patungo roon ama, ina?" tanong niya sa magulang. Tumango ang mga ito. "Alam namin pero hindi na kami sigurado kong matatagpuan mo agad iyon. Bibigyan ka na lang namin ng mapa papuntang Allejera," sabi ng kanyang ama. Tumango siya sa kanyang ama. Tinapos nila ang hapunan habang nag uusap pa rin. Kinabukasan.. "Mag iingat ka patungo roon Khethania, " nag aalalang sabi ng kanyang ina. "Oo, mag iingat po ako," sagot niya dito. "Sasamahan kita Khet," biglang sabi ni Caleb kaya napatingin siya sa Kapatid. "Hindi na, kaya ko nang mag isa patungo roon. Susulat na lang ako sa inyo kapag nakarating na ako doon," nakangiti niyang sabi sa kapatid at tinapik ang braso. Bumaling siya sa magulang niya. Ngumiti ang mga ito sa kanya at niyakap siya. "Aabangan namin ang sulat mo. Mag iingat ka sa paglalakbay mo, Khethania. Gamitin mo ang kakayahan mong lumaban kapag may makalaban ka. Protektahan mo ang sarili mo,” paalala ng kanyang ama. Tumango siya. "Opo ama, gagawin ko po ang sinabi niyo. Mag ingat rin po kayo dito at babalik pa ako,” nakangiti niyang sabi. Tumango ang mga ito saka siya tumalikod. "Mag ingat ka Khet! Hihintayin namin ang pagbabalik mo!" narinig niyang sigaw ni Caleb habang naglalakad siya palayo sa mga ito. Muli siyang humarap sa mga ito at kumaway saka ngumiti. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa malayo na tila ba natatanaw niya ang lugar ng Allejera. 'Ano kayang naghihintay sa akin doon,' wala sa sariling sambit niya saka nagpatuloy sa pag alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD