Chapter 4

1121 Words
KHETHANIA'S POV "Hey! Tania!" Napahinto ako sa paglalakad, nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Lumingon ako dito at nakita ko si Bella, bestfriend ko. Lumapit agad siya sa akin at nagtatakang tiningnan ang kabuuan ko. "Where are you going? Bakit ganyan ang ayos mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Aalis kasi ako, ikaw saan ka pupunta?" tanong ko rin sa kanya nang mapansing parang aalis din siya. Nagsimula kaming maglakad dalawa. "Pupunta ako sa kabilang bayan malapit dito. Inutusan ako ni papa na dalhin itong gamot doon. Ikaw ba? Saan ang lakad mo?" muli niyang tanong. Napahinto ako. "I need to go somewhere," sabi ko at napatingin sa malayo. Malapit na kami sa malaking gate ng bayan. "Where?" pangungulit niya. "Allejera," mahinang sabi ko. "W-What? D-Did you just say, Allejera?" Bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Nakakagulat ba ang banggitin ang lugar na iyon? "Anong nakakagulat sa sinabi ko?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iniwas niya ang tingin sa akin kaya mariin akong nakatingin sa kanya. "Alam mo ba ang lugar na iyon, Bella?" muli kong tanong sa kanya. "Actually, I'm not sure but I've heard about something in that place. It was an abandon kingdom but mysterious," sabi niya. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makalabas na kami sa malaking gate ng Atlanta. "Mysterious? Why?" nagtatakang tanong ko. "It's weird. I've heard that, it was a kingdom where the reborn phoenix born. But they don't know if it's still alive or dead. It's just a humor, so it's really weird," sabi niya. Napaisip naman ako. Kung abandonado na nga ang kahariang iyon, siguro naman mayroon pa ring nakatira doon. Napabuntong-hininga ako. "Ano pala ang gagawin mo doon?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Naramdaman ko ang kakaiba niyang tingin sa akin. Bella was my bestfriend since we are young and I know, I can trust her. " Gusto kong malaman, kung ang lugar na iyon ay may koneksyon sa akin." Bumaling ako sa kanya. "Alam mo naman siguro na hindi ako tunay na anak nila Dad. I'm just adopted and they told me that, they found me at Allejera's forest. Nagkakagulo sa Allejera noon sabi nina Mommy, kaya hindi sila tumuloy noon doon. Kaya natagpuan nila ako sa gubat kung saan sila dumaan," sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at napapasulyap sa akin habang naglalakad. Hinawakan ko ang espada na nasa likod. Binigay ito ni Daddy sa akin, para may sandata ako kung sakaling may haharang sa akin na mga bandido sa daan. Hindi madaling makapunta agad sa Allejera. Basi na rin sa nakita ko sa mapang binigay nina Mommy. Dadaanan ko pa ang ilang bayan at kaharian bago ang kaharian ng Allejera. "Alam mo ba ang papunta roon?" biglang tanong ni Bella. "May binigay na mapa sina Mommy para makapunta ako doon, heto," sabi ko at pinakita ang mapa. Tiningnan niya iyon at napatango-tango. "Mukhang tama naman ang mapa pero sa tingin ko hindi madaling makarating doon. Maraming bandido sa mga gubat na dadaanan mo. Hmmmm, may naisip ako. Sasama ako," sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka?" hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat. "I'm your bestfriend. Ayokong may mangyaring masama saiyo, kaya sasamahan kita. Isa pa, hindi lang ako ang makakasama mo. May isasama akong kakilala ko na maraming alam sa daan papuntang Allejera. Mahusay rin iyon sa pakikipaglaban at paggamit ng sandata. Kaya maaasahan natin iyon." Tinapik niya ako sa braso. "Pero, hindi ba iyon makakaabala saiyo?" "Of course not! You are my bestfriend, I will help you. Ngunit bago kita samahan, samahan mo muna akong ihatid ito sa kabilang bayan," nakangiti niyang sabi. "Okay, thank you Bella," nakangiti kong sabi sa kanya. "Let's go!" Hinila niya ako patakbo kaya napasama ako. Napapailing na lang ako. "Tsk! Dapat pala nagdala tayo ng kabayo," biglang sabi ni Bella habang nakaupo kami sa damuhan at nagpapahinga. Inayos niya ang mahaba niyang bestida. Kinuha ko naman ang inumin at binigyan siya. "Hindi ko na isip iyan, pero tama ka dapat pala nagdala tayo ng kabayo para hindi tayo mahirapan." Humiga ako sa damuhan matapos kong uminom ng tubig. Napapikit ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. "May tanong ako Thania," narinig kong sabi ni Bella kaya bumaling ako sa kanya. "Sa tagal nating magkaibigan, may kakayahan ka pa ba bukod sa mahusay kang gumamit ng espada?" seysoso niyang tanong. Naisip din ako. May kakayahan pa nga ba ako? "Hindi ko alam, basta ang alam ko marunong akong makipaglaban gamit ang espada, iyon lang," sabi ko at inalis ang tingin sa kanya. ''Ganoon? Alam mo naman siguro ang kakayahan ko di ba? Kaya kong mapalutang ng mga bagay o di kaya ang sarili ko. Hindi nga lang ako ganoon kagaling sa espada katulad mo," sabi niya. Bumaling ako sa kanya. Tama siya. Ilang beses ko na siyang nakitang gumamit nang kapangyarihan niya. Hindi nga lang talaga siya magaling sa espada. Ngunit madiskarte siya pero limitado lamang ang paggamit nang kapangyarihan sa Atlanta. Ipinagbabawal iyon ng Hari at Reyna ng Atlanta. May kapangyarihan ang bawat tao na nakatira sa kaharian ng Atlanta. Ngunit, ipinagbabawal gamitin kung ano mang kapangyarihan mayroon sila. Matagal na iyong batas ng Atlanta. Iniiwasan kasi ng taga-Atlanta na abusuhin ang kapangyarihan mayroon ang mga tao doon. Tulad nina Mommy at Daddy. May kapangyarihan rin sila pero hindi nila ito pinapakita o ginagamit. Ngunit kung nasa labas ka na ng Atlanta. Maaari mo nang gamitin ito, iniiwasan rin kasi nilang magkagulo. "Alam ko, kaya nga humahanga rin ako sa kapangyarihang mayroon ka. Sana nga tulad nang saiyo, mayroon din ako." Napabuntong-hininga ako at napapikit. "Gusto mo bang malaman kung anong kapangyarihan mayroon ka? May alam akong marunong sa bagay na iyan, ano gusto mo?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot. "Mas maganda siguro kung malaman mo muna ang kakayahan mo, bago tayo maglakbay papuntang Allejera. Para naman alam mo muna kung paano ito gamitin," suhesyon niya. Napaisip akp dahil sa sinabi niya. Mukhang tama nga siya, kailangan ko munang alamin kung anong kakayahan mayroon ako para makapaghanda ako at malaman ko kung paano ito gamitin. "Sige papayag ako," sabi ko at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong nag aalangan ka pero nasisiguro kong magagamit mo kung anumang kakayahang mayroon ka. I trust you, Thania," nakangiti niyang sabi. Napatango ako at inalis ang tingin sa kanya. Ano nga ba ang nanghihintay sa akin doon, sana malaman ko agad kung sino ako pagdating doon. Sana walang mangyari sa amin, dahil alam ko kung marami kaming dadaanan upang makarating doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD