Two weeks na ang nakalipas ng magkaroon sila ng pictorial sa boracay, dahil sa galit ni Kenneth, hindi naging maganda ang unang paghaharap nila bilang magka-trabaho, Nagalit si Nicole sa ginawa ni Kenneth, dahilan para hindi na siya kausapin, umuwi si Kenneth sa manila na malungkot at nagpakalunod sa alak nang mga panahon na iyon. "Good morning sir." bati sa kanya ng mga empleyado. Maagang umalis ng bahay si Kenneth, dahil nais niyang muling humingi ng tawad kay Nicole, may pictorial sila ngayong araw. At may meeting din sila sa mga endorser at producer. Dala ang bulaklak at gitara habang naglalakad siya papuntang office, may balak kasi siyang gawin. Bago mag simula ang pictorial nila ni Nicole. "Ate, kanina ka pa? Bakit ang aga mo ngayon?" Tanong niya nang makita niya ito sa sarili n