Pang tatlong beses na niyang inikot ang buong lugar na iyon. Maaga kasi siyang nagising kanina para mag jogging dito malapit sa beach ng boracay. Tapos na ang pictorial nila dito. About last night kinalimutan na lang niya ang nangyari, sila kasi ang partner sa ipapalabas nilang magazine ngayong month of june. Kaya naisip niyang kalimutan na lang niya iyon upang maging maayos ang trabaho nila sa isa't isa. Inilagay niya ang headset niya at nagsimula na siyang tumakbo. May Malapit na park kasi doon na madalas dayuhin mga nag jo-jogging at iyon ang hindi niya palalampasin. Nakailang ikot na siya nang maisip niyang magpahinga muna may nakita siyang upuan na may katabing puno ng acasia. Binuksan niya ang dala-dala niyang bag at kinuha doon ang baon niyang tubig at sandwich at kinain niya iyon