Workaholic Bachelor III: Sean Alcaraz/ Chapter 23

2215 Words

Risalyn “Iba ka talaga, Risa. Pinagawan ka na ni sir ng sariling kwarto.”wika ni Madeline nang pumasok siya sa locker room. “Quarters natin para makatulog talaga ng maayos.”sabi ko naman. “Naku, walang maniniwala diyan.”gatong ni Jona sa sinabi ni Madeline. “Ewan ko sa inyo.”iwas ko sa usapan. Mas iniisip ko ngayon ang sinabi ni Sean. Pumasok ako sa hotel room niya. Clue na ito para maalala ko. Ang kaso, ilang beses akong nagpunta sa hotel ngayong taon na ito. At halos lasing din ako. Kinukulit ko siya na sabihin na sa akin pero ayaw naman niyang ikwento. Ako daw dapat ang umalala sa una naming pagkikita. “Risa.”untag sa akin ni Jona. “May namamagitan na sa inyo ni Sir no.” Tinignan ko na silang pareho. “Wala.”sagot ko. Tinignan din nila ako na parang hindi naniniwala sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD