Risalyn "Anong naaalala mo na?"tanong ni Sean sa akin. Naglakad ako palapit sa bedside table at dinampot ko ang wine tsaka ko sinalinan ang baso. Binaba ko ang bote at dinampot ko ang wine glass. "Iyong una nating pagkikita."sabi ko sabay tingin sa kanya. "I don't think so."wika naman niya. Nagkibit-balikat ako at umupo na ako sa kama. "Totoo nga?"tanong na niya. "Oo, wait-"pinatong ko ang wine glass sa bedside table. Dumukot ako ng pera sa bulsa ko, "O ito. Since hindi kita nabigyan ng pera noon, ibibigay ko na ngayon." Gulat siyang tumingin sa akin at umupo sa tabi ko. "Siguro kaya mo pina-ayos itong kwarto na ito para maalala ko."baling ko na sa kanya. "No. As much as I want you to remember our first meeting, hindi iyon ang dahilan ko."he replied but still with amazement in