Risalyn Bumara iyong pandesal sa lalamunan ko pagkarinig ko ng sinabi ni Sean. Mabilis kong kinuha ang cup ko at uminom. Mabuti na lang naitulak din. Humarap ako sa kanya na may inis. “Ikaw, pag-isipan mo nga muna bago ka magsalita.” “Bakit, hindi na ba kailangan ng ligaw?” Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako ng hinawakan niya ang duyan na kina-uupuan ko at hinila ito palapit sa kanya. Mabilis niya akong kinintalan ng halik sa labi. “Tayo na.”sabi pa niya nang ilayo na niya ang labi niya mula sa akin. “Anong tayo na?”asik ko sa kanya. “I mean, let’s go, pasikat na ang araw. At umagang-umaga, ayokong mainis ka.” Tumayo na siya at kinuha sa akin ang cup at ang brown paper bag. Tsaka niya ako pinatayo. “Ikaw, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo.”wika ko sa kanya. Nat