Risalyn Nasapo ko ang ulo ko nang bumangon ako mula sa higaan ko. Ang akala ko makakatulog na ako ng maayos pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sean pero mas lalo lang akong hindi mapakali kagabi. Sa reaksyon niya kagabi, parang iba ang gusto niya sa sinabi ko. Pala-isipan din sa akin iyong sinabi niya na hindi lang simpleng halik lang iyon sa kanya. Kung hindi lang simple sa kanya, eh ano? Gulong-gulo na talaga utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko at nag-ayos na ako ng higaan ko. Ayoko ng isipin, mas mabuti pang maghanda na ako bago pa dumating ang mga kasamahan ko. Nasasanay narin ang ako sa ganitong klaseng higaan at sa paggising ng napakaaga, maliban na lang sa presensya ni Sean- Self, tama ka na muna sa lalakeng iyon! Inayos ko na ang higaan ko, mas mabuting gumalaw-galaw na ako pa