Hannah Bumaba rin ako pagkaraan ng ilang minuto. Humahangos naman na sinalubong ako ng secretary ko paglabas ko sa main door namin. "Ma'am, tignan niyo po ito." Agad kong kinuha ang cellphone. At binasa ko ang article na naglalaman ng balita tungkol sa kumpanya. Kumunot ang noo ko. "Nagkaroon ng emergency board meeting ang shareholders ng Lacuesta Fashion Line Corporation."basa ko sa article. "What? Sinong nagsulat ng article na ito?"naguguluhan kong tanong. Umiling ako, "Hindi korporasyon ang kumpanya, family-owned business ito ng mga Lacuesta." "Mali ang article na ito, walang shareholders ang kumpanya-" "Hindi ko ito inaasahan pero mayroon na ngayon, ma'am. Marahil, sa mga nakalipas na buwan, ito ang palihim na ginagawa ng CEO."wika ng secretary ko habang nakatuon rin ang mga