Friam Parito't paroon ang lakad ko dahil wala pa akong nakukuhang balita mula kay Rena. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Mula ng pumutok ang balita tungkol sa kumpanya ng mga Lacuesta, hindi na siya nagparamdam sa akin. Maybe, this was part of her plan all along. Kapag nasira na ang Lacuesta, hindi na rin siya magpapakita. Bumaba ang mga mata ko sa newspaper. Tumitig ako sa larawan ni Jhonny Lacuesta. Pero ang laban na ito mas malala pa sa inaasahan ko. Hindi lang pangkaraniwang negosyante si Jhonny Lacuesta na gumagawa ng ilegal na gawain. Mautak at may impluwensya rin sa mga awtoridad. Bumuga ako ng malalim na hininga, "This is going to be a long battle." Tumingin ako sa cellphone ko. I'm sure magpaparamdam rin itong si Rena dahil hindi umayon ang plinano niya. "Sir, kan