Friam "Sorry pero kailangan kong pumunta ng maaga sa law office ko. Marami kasi akong--"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na iyon ni Hannah. "It's ok."sagot niya. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nagliligpit ng pinagtulugan namin. "Ok."sagot ko rin. "Baka hindi kita masusundo mamaya, may importante kasi akong pupuntahan."sabi ko sa kanya habang inililigpit ko na ang dadalhin kong mga papel.. Hindi siya sumagot, tumingin ako sa kanya..Aligaga siya, parang may hinahanap at alam ko kung ano iyon. "Ok ka lang?"tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. "Huh?Ah...Oo.."sagot naman niya.. "Hindi kita masusundo mamaya." ulit ko sa kanya. "Ok."tipid niyang sagot. Kinuha ko na ang attaché case ko. "Bye."paalam ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nagpatuloy lang siya s