Hannah Tumingin ako kay Friam na ngayon ay tahimik lang na kumakain. Kumain ulit kami ng almusal sa labas. Hindi niya ako pinapansin. "Friam."tawag ko sa kanya. "Bakit?" "Wala."wika ko rin. "Tssss." "Attorney Friam!"pareho kaming napalingon sa nanggalingan ng boses na tumawag sa asawa ko Pinasadahan ko ng tingin ang buong kasuotan niya. Nag-aksaya lang siya ng oras na magdamit, kita naman lahat. Linapitan niya si Friam at hinalikan sa pisngi. Nag-isang linya ang labi ko, hindi ako makapaniwalang hinalikan talaga niya si Friam sa harapan ko. Kahit hindi niya alam na asawa ako ni Friam, dapat pumasok sa isipan niyang pwedeng ka-date ako ni Friam. "I really miss you sweetie pie. Hindi ka na dumadalaw sa Cupid Bar. Hindi ka na rin pumupunta sa Cafe ni Sean."nagtatampong sabi niya.