Pinatuloy ng kasambahay ni Kio Alvaro si Sophia ng makarating siya sa harap ng mansyon. Namamanhid man ang kanyang paa, nagawa pa rin niyang maglakad ulit papunta sa malawak na salas. "Maghintay ka muna dito, kunan lang kita ng maiinom."wika ng kasambahay sa kanya. "Salamat."sagot niya at ngumiti siya dito. Mabilis niyang hinawakan ang kanyang binti nang tuluyan ng umalis ang kasambahay sa harapan niya. Minasahe niya ito dahil malayo rin ang linakad niya. Hindi niya akalain na ganito kalayo ang mansyon mula sa guard house. Lumukot ang mukha niya ng maramdaman niya ulit ang pamamanhid ng mga binti niya. Ginilid niya ang kanyang mukha habang iniinda niya ang sakit. Pero napatigil siya ng mapansin niya ang pares ng paang nakasuot ng tsinelas malapit sa malaking pinto ng mansyon. Unti-unt