Second Generation:Kio (1)

1106 Words

Nagpakawala ng malalim na hininga si Sophia habang tinatanaw niya ang hacienda ni Kio Alvaro. Alas-dos na ng hapon at tirik na tirik ang araw ngunit nanatili parin siyang nakatayo sa labas ng tarangkahan ng lupain. Nangangamba siya sa kanyang papasukin, hindi niya alam kung magtatagumpay ba siya o mabibigo. Gayunpaman, hinakbang na niya ang kanyang mga paa ng makondisyon niya ang kanyang sarili sa papasukin niyang trabaho sa hacienda. "Magandang araw, kuya."bati niya sa bantay na nasa loob ng guard house. "Magandang araw din, Miss. Anong sadya mo dito?"lumabas ang bantay at hinarap siya. "Narinig ko kasi sa palengke na naghahanap po kayo ng veterinarian para sa hacienda."magalang niyang sagot. Tinignan muna siya ng bantay bago siya nito pinagbuksan. "Isa ka ba talagang veterinarian?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD