Yanni "Magandang Araw.."bati ko sa receptionist pagpasok ko sa receiving are ng Munisipyo. "Magandang Araw din po Ma'am.."balik ng babae saken.."Ano po ang maitutulong ko..?"magalang niyang tanong. "Ummmm..."napakamot ako sa pisngi ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko...Bigla-bigla kasi ang pagtanggap ko ng trabaho tapos wala pa si Ninang.. "Ano....Pinapunta ako ni Señora Erlinda dito.." "Ah....kayo po si Ma'am Yanni.." "Kilala mo ako?" "Hindi po pero itinawag na po kayo ni Señora...Dumeretso na lang po kayo sa office ni Mayor.."sabi saken ng babae.. "Salamat."nakangiti kong sagot..Naglakad na ako paalis sa front desk pero tinawag ako ng receptionist.."Ma'am!" Lumingon ako.. "Bakit?"tanong ko. Lumapit saken ang babae. "Hindi ko po alam kung tama bang sabihin ko sa inyo ito