"Yanni, umuwi ka na pala..." "Siya nga, kaylangan ka dumating?" "Matagal kang nawala." "Oo nga, anim na taon pero mabuti naman at umuwi ka na dito satin." Ngumiti ako sa mga kasamahan ng Tatay ko... "Pero didito ka na ba?o magbabakasyon ka lang?"tanong ng isang kasamahan ni Tatay. "Ah....Hindi ko pa po alam..."sagot ko... "Naku...siyempre dadalaw lang dito si Yanni..Eh ano naman ang gagawin niya dito sa probinsya natin...Maging katulad kong hardinera.." "Kita mo itong si Maring...Anong masama sa pagiging hardinera mo..Mabubuti naman ang mga Amo natin.." "Aba Pilo..Hindi ko ibinababa itong trabaho ko...Ang punto ko hindi bagay ni Yanni ang ganitong trabaho...Lalo na ngayon, mas lalo siyang gumanda.." "Hindi ka parin talaga nagbabago Ate Maring, mahilig ka paring magbiro.."sabi ko