Risalyn Umusug ako nang umupo na si Sean sa gilid ko. "Ako na."sabi ko at kinuha ko ang towel sa kanya, binigay naman niya sa akin ito. Tapos pinatong na niya ang basin sa bedside table. "Turn around."saad ko. "Why?"tanong niya. "Hindi ako komportable." "Paano ko malalaman kung pinupunasan mo talaga ang katawan mo."sabi niya, tinignan ko siya ng seryoso pero hindi siya natinag. "Just do it. Ngayon ka pa mahihiya sa akin." Hindi naman ako naka-imik sa sinabi niya. Medyo binaba ko na ang comforter mula sa katawan ko. Una kong pinunasan ang mukha ko tapos binaba ko ito sa leeg ko. Sinunod ko naman ang braso at kamay ko. "Tignan mo kung tuyo na."pabulong na saad ni Sean. "Ang alin?"tanong ko. "The towel, Risa. Towel."may diin niya sabi kaya tinignan ko siya. "Bakit