Risalyn "Stop it." Tumigil ako at naramdaman ko ang mabilis na paghinga ko. Tinanggal ko ang kamay niya tapos bumalik ulit ako sa lamesa namin at dinampot ko ang isa pang bowl. "Risa, tumigil ka na."nagbabantang sabi ni Sean. Binagsak ko ang bowl sa sink at tumingin ako kay Sean. "Oo, talagang titigil na ako." Linagpasan ko na siya at lumabas na ako sa bahay. Naglakad ako hanggang sa gate at pumara ako ng taxi. Mabilis kong sinabi ang address ng bahay ng mga magulang ko sa taxi driver. Hindi ko mapigilan ang pag-tulo ng mga luha ko. Pinunasan ko ang mga luha ko nang makarating ako sa harap ng bahay namin. Nagulat naman sila Mommy na pumasok ako sa bahay. "Anak, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" "Nag-away kami ni Sean."sagot ko at umakyat na ako sa hagdan at