Hannah "Gusto mong patayin ko ang telebisyon?"tanong ni Risa sabay bigay sa akin ng binalatan niyang prutas. "Alam mo na, doctor ako. Kaya kong paghiwahiwalayin ang mga bahagi niyan."natawa naman ako sa sinabi niya. Kasalukuyan na ibinabalita sa news si Dad. Nalaman na ng buong bayan kung gaano kasakim at kasamang tao si Dad. Hinihintay na lang ang pagdinig sa kaso niya. "Blessing in disguise rin iyong nagbigay ebidensya sayo."komento ni Risa sa tabi ko. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Pero wala ka ba talagang ideya kung sino ang nasa likod ng brown envelope na iyon?" "Wala eh. Gusto kong makilala talaga ang taong nagbigay ng envelope na iyon." Binaba ko ang mangkok at tinawagan si Jean. "Good morning, ma'am. Kamusta ka, ma'am?"bungad kaagad ni Jean. "Maayos naman na ako, Jea