Lori Nakalabas na si Nathaniel pero tulala parin ako sa harap ni Attorney Linda. Sinermunan niya ako, but it feels good. Ang sarap pagmasdan ang salubong niyang kilay, ang walang emosyon niyang mga mata, at ang gumagalaw na labi niya, lahat. "Christina, ayos ka lang?"tanong sa akin ni Attorney, kaya tumingin na ako sa kanya. Hindi na ba ako matino kung sasabihin kong gusto ko ulit makita ang ganoong hitsura niya?- Pumalakpak ako sa harap ng mukha ko. Muntik ng lumuwag ang turnilyo ng ulo ko dahil isiping iyon. Tumango na ako kay Attorney at dumeretso na rin ako sa pinto. "Ayos ka lang ba talaga-saan ka pupunta, Christina?"tanong sa akin ni Attorney Linda. "Susunod sa kanya, Attorney." "Sigurado ka?"paniniguradong tanong sa akin ni Attorney. "Oo, Attorney. Nakakahiya naman kay Atto