Second Generation: Nathaniel Del Valle (9)

1333 Words

"Christina." "Ano 'yun, Attorney Nathaniel?"lingon ni Lori nang tinawag siya ni Nathaniel. "Print mo muna 'yung document na nasa pen drive ko, bago mo ipagpatuloy 'yong ginagawa mo kanina. Maragaya-"mabilis siyang tumango dito at tuluyan na siyang lumabas sa staff lounge. Dumeretso siya sa harap ng laptop ni Nathaniel at ineject niya ang pen drive mula dito. Tsaka siya pumunta sa computer na malapit sa printer. Sinaksak niya muna ito sa CPU bago siya umupo. Madali lang naman niyang na-open ito pero nang makita niya ang napakaraming dokumento na nasa screen, naalala niya na hindi pala niya natanong ang file name ng ipi-print niya. "Maragaya ang file name, Christina."lumingon siya kay Nathaniel na nakatayo malapit lang sa kanya. Napatango naman siya dito, humarap na ulit siya sa screen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD